Chapter 18

287 7 1
                                    


Chapter 18


"Callista!" Narinig ko ang tinig ni Zane kaya umahon ako.



Pag-ahon ko doon ko napansin na hanggang leeg na ang tubig. 


"Callista!" patuloy na tawag sa akin ni Zane habang pilit na sinusubukang lumapit sa akin. Bukod sa ang bilis tumaas ng tubig ay malakas din ang agos. 


"Zane, umalis ka na!" pagtataboy ko sakanya. 


Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakanya ang lahat para maintindihan niya at iwan niya ako rito at kung may oras pa ba. 


"Zane!" Lumapit ako sakanya nang lumubog na ang ulo niya sa tubig. 


Clayton does not know how to swim even in this dimension! 


Lumangoy na ako para mas mabilis akong makalapit sakanya. Iniangat ko siya. Enough para nakaangat ang ulo niya sa tubig. 


"Zane! Gumising ka, please!" Naiiyak na ako. 


May mga pagkakataon na napapalubog kami kapag humahampas ang alon at nakakainom ng tubig. Napalingon ako nang makita kong lumalaki na ang liwanag na nanggagaling sa valve sa ilalim ng tubig. 


Tinignan ko si Zane. Medyo natagalan akong nakalapit sakanya kanina dahil ang lakas ng current ng tubig kung kaya't medyo matagal din siyang nakalubog sa tubig at nawalan ng malay.


Sinubukan kong lumangoy habang yakap yakap siya. Sinundan ko kung saan papunta ang agos ng tubig dahil alam kong doon ay may lagusan papalabas ng puquio. 


Napalingon muli akong sandali sa liwanag. Tinalikuran ko iyon at binuhos ang lakas ko sa paglangoy. 


Kailangan kong maligtas si Zane. Ayun ang pinakaimportante. 


Kinakapos ako ng hininga ng makalabas ako sa puquio. Nilapag ko ang walang malay na si Zane sa damuhan. I gave him mouth to mouth kahit hirap na hirap ako. 


Napaubo siya at sumuka ng tubig. "Callista," nanghihinang banggit niya sa pangalan ko nang sandaling magising. Nawalan uli siya ng malay. 


Nilapit ko ang daliri ko sa pagitan ng ilong at labi niya at nakahinga ako ng maluwag dahil normal na ang paghinga niya di tulad kanina na hindi siya humihinga. 


Halos gumapang ako palayo sakanya dahil sa sobrang pagod. Kumawala na ang liwanag mula sa butas sa bawat gilid ng puquio. Masyado nang malaki ang liwanag. Wala na akong panahon. Pinilit kong makatayo para bumalik sa loob. 


Nagkaroon ng malakas na tunog. Nagsimula nang masira ang puquio at tingin ko gawa ito ng mahikal na liwanag. Kahit nanlalambot ang tuhod ko, tumakbo ako papasok sa ilalim ng puquio. Lumangoy uli ako para puntahan kung saan nanggagaling ang liwanag. 

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon