Chapter 38
Isang malalim na gabi, ginising ako ni Ami. Tumambad ang mukha niyang nag-aalala pagmulat ko.
"Ang prinsipe ng Palean, nasa labas ng palasyo. Nais ka raw makausap," ang sabi ni Ami.
Umupo ako sa kama at nag-isip kung dapat ko bang labasin si Donovan. Hindi ko alam kung ano pa ang pakay niya gayong nilinaw ko na sa kanya ang lahat noong isang araw na si Zane ang mahal ko at wala ng pag-asa pang matuloy ang kasal.
Ayokong maging tulad ng ibang prinsesa na nagpapa-akay sa sistema ng monarkiya. Kung magiging instrumento ako, gagamitin ko ang kakayahan at lakas ng loob ko upang maging halimbawa sa mga kababaihan na may sarili kaming buhay at wala sinoman ang may karapatang magdesisyon sa kung ano ang gusto naming gawin.
Gusto kong ang makakasama ko habang-buhay ay ang taong mahal ko habang sa kabilang banda nasisiguro kong ibubuhos ko ang aking makakaya para pamunuan ang kaharian. I do not have to sell myself to a man to connect with supreme power and authority.
Napatingin ako sa labas ng bintana dahil rinig ko ang lakas ng ulan.
"Basang-basa na po ang prinsipe sa ulan. Aniya hindi sya aalis hangga't hindi mo siya kinakausap. Abutin man siya ng umaga o kahit kailan."
Halos mapairap ako sa kakulitang pinapairal ni Donovan.
"Lalabas na ako," anunsyo ko.
Agad nagtungo si Ami sa walk-in closet. Mabilis siyang lumabas rito at may dalang hooded cape.
Sinuot niya sa akin iyon. "Gusto mo bang magtawag ako ng kawal na magsasama sa'yo, Prinsesa?"
Umiling ako. "Hindi na kailangan."
Sinabayan niya akong maglakad. "Sabihan mo lang ako kung sakaling kailangan mo ng tulong."
"Hindi na, Ami. Matulog ka na. Anong oras na din. Ako na ang bahala."
Alanganin pa siya noon una pero sumunod pa rin sa inutos ko. Nagbigay-pugay siya bago lumiko papunta sa ibang daan para magtungo sa quarter niya.
Nang buksan ng dalawang kawal ang higanteng pintuan, sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
Lumabas ako ng palasyo at natanaw si Donovan sa ilalim ng puno ng Narra, nakasilong ngunit parang basang sisiw.
Nakayuko siya at tila malalim ang iniisip.
Naglakad ako papunta sa kanya. The cape Ami made me wore is waterproof. Ngunit dahil sa lakas ng hangin ay natatamaan pa rin paminsan minsan ang mukha ko ng butil ng ulan. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalapit ako kay Donovan.
His gaze landed on mine as he looked up when he noticed my presence.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...