Chapter 7
Akala yata ni Zane nagbibiro lang ako nung sinabi kong gusto kong pumunta sa Tanni Puquio. Tiningnan niya ako as if inaantay na bawiin ko ang sinabi ko.
"Hindi mo ako kailangan samahan. Gusto ko lang malaman kung paano ako makakapunta roon."
Hindi pa ako gaanong tapos magsalita ay sumagot na siya. "Sasamahan kita sa lahat, Callista. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nais mong doon magpunta."
Kung paano niya sabihin iyon ay tila pinapamukha niya sa akin na sa dinami-rami ng lugar, bakit doon pa sa delikado.
Tumikhim ako. Sandali akong yumuko para mag-isip. I'm contemplating if I should tell him the truth. Given na siya ang villain sa istorya, wala ni isang masamang bagay akong nakita sa kanya. Siya ang nagturo sa akin kung paano gumamit ng pana, at palagi niya akong pinoprotektahan. Trabaho niya nga iyon pero nararamdaman ko ang sinseridad sa kanya.
Tiningnan ko siyang muli. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang masaktuhan ang malalim niyang titig sa akin.
Damn, my boyfriend.
"Hin..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Natigilan ako. Naubusan ako ng boses. "Baka hindi ka lang maniwala sa'kin kapag sinabi ko sa'yo."
Nginitian niya ako. Doon na lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko. "Kung ano man yan prinsesa ko, paniniwalaan ko."
Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya.
Dear boyfriend, you are here in front of me. I wanted to hug you but I can't. You are so close. Yet so far.
"Kailangan kong umalis."
Kumunot ang noo niya.
"Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo," pag-amin ko. "Pero kailangan kong umalis dito."
Nakita ko kung paano napalitan ng lungkot ang kaninang pagtataka sa mukha niya.
"Kung ayan ang dahilan mo, patawad pero hindi kita matutulungan."
Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong bag at siya na ang nagbitbit noon. Hinawakan niya rin ako sa braso para igiyang maglakad at umalis.
Nakatingin lang ako sakanya habang seryoso siyang nakatingin sa harapan.
Kinaumagahan tinanong ko agad si Ami kung may nalalaman ba siya sa Puquio. Ang alam niya lang raw ay delikado doon kung kaya't wala ng tao ang nagtatangkang pasukin iyon lalo na sa sinasabing mahikal na lagusan.
"Pero may kakilala akong matanda na maraming alam doon. Ipagtatanong ko para sainyo, mahal na prinsesa."
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.
Pinahintulutan kong umalis si Ami sa palasyo para makapagtanong siya tungkol sa Tanni Puquio. Pinalabas naming may alahas akong gustong ipahanap sa kanya sa bayan para pahintulutan siyang umalis. Hindi kasi siya maaaring umalis basta-basta dahil siya ang personal maid ko.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...