Chapter 44
Di nakatakas sa akin ang pagkagulat sa mukha niya matapos marinig ang sinabi ko. Ngunit agad itong napalitan ng ngiti.
"What if you say it again?" He smirked.
"I love you, Donovan."
Lumawak ang ngiti sa labi niya. Nagsimula siyang naglakad palapit sa akin nang hindi pinuputol ang tinginan namin.
"I have always loved you," he mumbled after reaching for my hand.
I gave him my sweetest smile as I squeezed his hand. Marahas ko siyang hinila at tinuhod sa tyan. Mabilis kong nilabas ang punyal na nakatago sa hita ko at isasaksak na sana sakanya ngunit mabilis niyang naihampas ang kamay ko dahilan para tumilapon iyon sa kung saan.
Napadaing ako sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para atakihin ako. Hinuli niya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa likuran ko. Sinubukan kong manglaban pero mas malakas siya sa akin.
Sinandal niya ako sa arko na gawa sa bato. Diniin niya ang katawan niya sa akin, sapat upang hindi ako makapanlaban at makaatake. Hawak niya pa rin ng mahigpit ang mga kamay ko na nasa likuran ko.
Galit na galit ko siyang tiningnan ngunit nakuha pa niyang ngumisi!
"Looks like you already found out, Princess Callista." Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Ilang segundo bago siya muling nag-angat ng tingin. "You figured it out faster than I expected. You truly never fail to amuse me."
Callista and Donovan arrange marriage announcement
Lalapit si Zane sa makapangyarihang shamman para magpagawa ng gayuma na ibibigay kay Callista
Hindi matutuloy ang kasal
Dadanak ng dugo sa kapaligiran
Mamamatay si Ami sa mismong harapan ni Callista
Masasaksihan ni Callista kung paano sunugin ng taga ibang bansa ang kaniyang ama sa isang mataas na puno habang ito ay nakatali at umiiyak. Mga taong gustong manakop
Mamamatay si Donovan dahil ipaglalaban niya si Callista. Si Zane ang papatay.
Babagsak ang kingdom ni Situia Kingdom at mabubura ito sa kasaysayan.
Napatakip ako sa bibig matapos kong mabasa ang nakasulat sa papel. Bigla ay bumalik sa alala ko ang lahat. I was Chandria in the modern world and I got transmigrated in the book I was reading. The story of Epiphany!
Wala akong ideya kung paanong nakalimutan ko ang tunay kong pagkatao. Kung iisipin, nagsimula kong makalimutan kung sino talaga ako matapos ang pangyayari sa Tanni Puquio, na kung saan pinlano kong bumalik sa totoo kong mundo.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...