Chapter 21

262 5 1
                                    




Chapter 21


Nasa itaas ako ng bundok ngayon habang pinagmamasdan ang kagandahan ng buong lugar. I will never get tired of watching the breathtaking landscape of our country. This is the smallest country in Egtaro Empire, pero ito ang pinakamayaman dahil itong bansa lamang ay may mga ginto. Kaya namin makipagsabayan sa malalaking bansa, kung tutuusin. Ngunit ang mga taong mapang-lamang ang siya ring sumisira ng sariling bansang. Imbes na magtulungan ay naghihilahan para ang isa ay bumaba at ang isa ay maka-angat. Na kung tutuusin, maaari namang maghilahan paangat upang walang mapag-iwanan.


Kung ang isa ay nakarating sa tuktok, maaari siyang magbagsak ng lubid upang tulungan makaakyat ang iba. Hindi niya ikakababa iyon.


Kinabukasan nung gabing hinuli namin ang dating counsellor, bumalik ako sa Carlos para matingnan ang kanilang kalagayan.


Ami did something on my hair to make it look temporarily black and make my skin tanned. Dahil sinabi kong hindi naman ako magtatagal, hindi na niya ginawang waterproof.


Ngunit nagkamali ako. Hindi namin nakitang may paparating na malakas na ulan. We were not prepaid and the rain washed the paint on my hair and body away. My real identity was revealed in front of the people in Carlos.


Hindi ko makakalimutan kung paano mabilis na iniharang ni Zane ang sarili niya dahil sa pag-aakalang aatakihin ako ng mga mamamayan sa bansang iyon dahil galit sila sa amin.


Nagulat kami nang lahat sila ay biglang lumuhod, umiyak, at humingi ng tawad sa pagiging rebelde nila sa kaharian.


They begged for my forgiveness as they cried.


Nagkatinginan kami no'n ni Zane. Hindi namin inaasahan na ganun ang mangyayari.


They wept while saying how grateful they were to me for solving the main issue on their residence... na inaasahan kong mas lalo silang magagalit dahil tinago ko ang tunay kong pagkatao sa kanila. I still lied to them.


I'm happy it didn't turn out how I expected it to, which sounds terrible.


"Naintindihan ka ng mga tao kung bakit nagawa mong magpanggap na ordinaryo tulad ng pag-intindi mo sa kanila kung bakit sila nagrerebelde noon," ang sabi sa akin ni Zane habang nakangiti. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang palad niya to completely remove the paint on my face.


Naghanap ang mga taga-residente ng Carlos ng magandang ipapasuot sa akin. Habang naliligo ako sa pampublikong paliguan (na talagang nilinis nila ng sobra bago ako papasukin), marami ang nagbantay sa akin sa labas. Naririnig ko silang nagki-kwentuhan at nagtatawanan. And that's one of the moments I will treasure.


Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni, naisipan kong umalis na para bumalik sa palasyo. Hindi ko kasama si Zane dahil tinakasan ko siya. At sigurado akong hinahanap-hanap na niya ako kung saan-saan.


Patawad, Zane. Alam mo namang may mga araw na gusto kong mapag-isa.


Pabalik na ako sa palasyo nang may pamilyar na lalake akong natanaw. Nakaupo ito sa aqueduct na para bang hindi nalulula habang nakatingin sa ibaba, sa ilog.


Bumaba ako sa kabayo ko. Habang tinatali ko ito sa puno ay marahan kong tinawag ang lalake para hindi siya magulat although rare mangyari yun.


Baka kasi mahulog siya sa ilog, kasalanan ko na naman kung malagay na naman ang buhay niya sa panganib.


Pero mukha siyang magpapakamatay kung titingnan.


EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon