Chapter 24

201 4 0
                                    


Chapter 24


Dalawang buong linggong kaming nagnasay ng paggamit sa espada. Sumunod ay ang paggamit ng pana. Tinuruan din niya ako ng mga basic skills to defend myself even without any weapons.


Ang bata pa ni Donovan pero ang eksperto na niya rito. Hindi na ako magtataka dahil 8 years old palang siya, imbes na laruan ay espada ang pinahawak sa kanya. 16 years old din siya ng una siyang sumabak sa sa gyera. 


Sa isang araw ay nilalaanan niya ako ng apat hanggang anim na oras sa pagsasanay. Kapag marami talaga siyang ginagawa, may inuutusan siyang isang taong pinagkakatiwalaan para turuan ako pero humahabol siya. Minsan nakikisali, minsan pinapanood lang ako. Marami akong natutunan. Kitang-kita at ramdam ko ang improvement ko. Masasabi kong kaya ko nang depensahan ang sarili ko kung sakaling may magpalipad man ng arrow. Tinuruan ako ni Donovan kung paano maging alerto sa paligid kahit na may kasama ako dahil hindi lahat ay mapagkakatiwalaan ko. Minsan, kung sino pa ang pinakamalapit sa akin, siya pa ang may masamang balak. 


Halos magdadalawang buwan na akong nasa kaharian nila. Dalawang araw kada linggo lang ang pahinga ko sa pag-eensayo. Sa dalawang araw na pahinga, wala akong ibang ginawa kundi matulog at kumain. Hindi nalang ako lumalabas kasi maraming royal guards ang nakasunod sa akin. Ayokong ayoko nga ng napapalibutan ng maraming tao. Hindi ako komportable. Kahit na part iyon ng pagiging prinsesa ko.


Hinigpitan ni Donovan ang security ko at sampung guards ang inatasang bantayan ako. Mabuti nga hindi niya naisip na pati sa loob ng kwarto ko dapat may guwardya kundi magwawala na talaga ako. Wala na akong privacy non! 


Dumapa ako sa kama dahil wala talaga akong ibang magawa. Gusto kong magbasa ng libro kaso isipin ko palang na may mga bubuntot sa'kin tinatamad na ako. Namimiss ko na rin si Ami at Zane. Miski ang mga magulang ko kahit na bihira ko lang din sila makita. Ano kayang ginagawa ni Zane habang wala ako na trabaho niyang protektahan? May natuklasan na kaya siya tungkol kay Sheryl?


Umupo ako sa kama at sinipa ang comforter. Gusto ko ng umuwi! Pumayag ang magulang ko sa request ni Donovan pero hindi ibig sabihin nito ay siya na palagi ang masusunod. Marunong na ako makipaglaban. Hindi man sapat at least marami na akong nalalaman at maipagpapatuloy ko ito sa aming kaharian. 


Napabuntong-hininga ako ng buksan ko ang pintuan at tumambad ang mga guards. "Does anyone know if Donovan has returned?" 


Ilang araw na rin kasi siyang wala dahil inihahanda siya sa nalalapit na expedition. Nagtinginan lang sila. Kinutuban ako na alam nila ang sagot pero nagtuturuan sila kung sino ang magsasabi o kung dapat ba nilang sabihin. 


"His Highness has returned just a while ago, Princess." May isang naglakas ng loob sumagot. Nagtinginan ang ilan sakaniya ng pasimple habang nakayuko. 


"Thank you for answering me. Can you please ask my maid to do my hair before I come and see His Highness?" 


Tumango naman ito at agad na umalis. Bumalik ako sa silid at naupo sa tapat ng tukador. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at sinimulang suklayin ang mahaba at light brown kong buhok. Lalo nitong pinapatingkad ang kaputian ng balat ko. 

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon