Chapter 27

173 4 0
                                    

Chapter 27

Binakante ko ang araw ngayon para makadalo ako sa pista ng Kanluran. Si Zane lang ang kasama ko dahil may importanteng gagawin si Kazeen.





Nasa daan kami papunta sa Kanluran nang may lumipad na pana. Naging maagap si Zane. Tumalon siya mula sa kabayo at sinalag ang pana gamit ang espada.


I was the target. Again.





May matatanggap na naman siyang panibagong threat, tulad ng natanggap niya sa empire nila Donovan. Nasalag ni Zane gamit ang espada ang pana na tatama sana kay Callista.


"Prinsesa!" agad akong nilapitan ni Zane at binuhat pababa ng kabayo. "Ayos ka lang ba?" tanong niya habang sinusuri ako.


While Zane is busy looking around, may apat na lalake ang lumapit sa akin May mga dala silang timba. Napapikit ako nang bigla nilang ibuhos sa akin ang laman. Naglalaman ito ng malagkit at mabahong likido na tingin ko hinaluan ng mga panis at bulok na pagkain.


Nakaramdam ako ng pagtataka dahil hindi ko naramdamang nabasa ako. At nang idilat ko ang mga mata ko, napatakip ako ng bibig. Sinalo ni Zane ang dapat ay sa akin ibubuhos.


"Palayain mo muli si Counselor Theodore! Palayain mo! Isa siyang inosenta at ikaw ay isang magpamataas na prinsesa!" Paulit ulit na sigaw nila habang binabato ako ng kung anu-ano. Hinarang ni Zane ang sarili para hindi ako matamaan. Hinubad niya ang kapa niya at binato sa mga lalake.


Tinutukan niya ng espada ang mga iyon. "Naglaan ng panahon ang prinsesa para pagbigyan kayo, pero ganito pala ang gagawin ninyo?" galit na sigaw niya.


Hinawakan ko siya sa braso. "Umalis nalang tayo," ang sabi ko.


Bago ako tuluyang tumalikod, tiningnan ko ang mga tao na parang pinapatay ako sa sama ng tingin nila sa akin.


Ang pamilya at kamag-anak ng dating counselor ay taga-Kanluran. Ito pala ang binabalak nila kaya nila ako inimbitahan.


Gusto nilang ipaghiganti ang dating counselor.





May nadaanan kaming sapa nung pabalik kami ng palasyo.


"Dito muna tayo, para makaligo ka," utos ko kay Zane.


"Masangsang na ba masyado ang amoy ko, Prinsesa?" natatawang biro niya.


Inismiran ko nalang siya.


Nahiya pa si Zane na hawakan ako para alalayan ako pababa ng kabayo dahil malagkit pa ang balat niya. I take his hand to assure him that it's nothing.


Nag-iwas ako ng tingin nang tanggalin niya ang damit niya. Narinig ko nalang ang paglusong niya sa tubig.


Pinagmasdan ko siya habang naliligo. Hinawi niya ang basa niyang buhok habang nakapikit.


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Bago pa niya ako mahuli na pinapanood ko siya, tumalikod na ako.


Pinulot ko ang damit niyang nasa sahig at sinimulang labhan sa tubig ng sapa.


Tinawag ako ni Zane at nagmakaawag itigil ko ang paglalaba sa damit niya pero hindi ako nakinig.


Nakita kong lumalapit na siya sa akin kaya pinigilan ko siya.


"Huwag kang umahon kung ayaw mong makita ko ang katawan mo."


Nakita kong namula ang pisngi niya dahil sa sinabi ko. Napangisi tuloy ako.


"Maligo ka nalang dyan," utos ko sakanya pero nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya at nakatitig sa akin. "Hindi ka sususnod?"


Tumawa siya sa sinabi ko at tumango-tango. Tumalikod na siya at sumisid.


Naghanap ako ng puno na may mababang sanga at pinatuyo doon ang damit. Pagkatapos ay nilibang ko ang sarili sa paghahanap ng magandang bulaklak sa paligid.


May narinig akong tunog kaya napalingon ako. Naglakad ako para sundan kung saan nanggagaling ang ingay.


Nagulat ako nang biglang makita si Donovan. Nakasuot ito ng pang-armor habang seryosong pinapakain ng damo ang kabayo niya. Naramdaman niya atang may nakatingin sakanya kaya nagawi siya sa kinalulugaran ko.


Nasilayan ko ang pagka-surpresa sa mukha niya pero sandali lang iyon. Naglaho agad.


"Your Highness," nagbigay pugay ako sakanya. Ganun din siya sa akin.


"If I may ask, what are you doing in our kingdom?"


Ilang buwan na rin ang nakalipas nang huli ko siyang nakita. Pakiramdam ko talaga tuwing lumilipas ang araw mas dumadami ang nagbabago sa kanya. He's getting better and better.


"I came here to see you." Nakita kong napatingin siya sa gilid ko kaya sinundan ko rin iyon ng tingin.


Si Zane ay naglalakad papunta sa akin. "Prinsesa, bigla-bigla ka nalang nawawala."


Sandali akong napatingin sa matipuno niyang katawan na basa pa ng tubig at may ilang butil na tumutulo. Saka niya lang na-realize na nandito si Donovan. Nagbigay-pugay siya rito.


Dumilim ang ekpresyon ni Donovan. Salitan niyang tiningnan si Zane at ako. Tapos nagsimulang lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko. "Ako na ang maghahatid sa'yo pabalik sa palasyo."


Binawi ko ang kamay ko kaya napalingon siyang muli sa akin. Lumapit sa amin si Zane at hinila ako palayo kay Donovan. Mabilis na iniangat ni Donovan ang espadang hawak at itinutok sa leeg ni Zane.


Hinablot ko sa kamay ni Zane ang hawak na espada. Gulat at nagtatakang lumipat ang tingin ni Donovan sa patalim na nakatutok sa leeg niya, na ako ang may hawak. Nagtitigan kami ng matagal.


Tinutukan niya ng espada si Zane, pwes gaganti ako sakanya!


"You have no right to do this to someone who is protecting me, Your Highness. This isn't your land and he isn't your subordinate," seryosong sabi ko sakanya.


Matagal bago nagbawi si Donovan at binaba ang espadang hawak. Kaya naman binaba ko na rin ang hawak ko. Kahit naiinis, nagbigay-pugay pa rin ako sakanya bago tumalikod at umalis. Ganun rin si Zane sakanya.


Bumalik kami sa may sapa at hinanap ko yung pinagsampayan ko ng damit ni Zane. Iniabot ko sakanya yun at pinanood siyang magbihis. "Maraming salamat, prinsesa. Para kang asawa." Binulong niya ang sumunod na pangungusap pero dinig na dinig ko.


Hindi ko mapigilang mapangiti.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon