Chapter 35
"Sinimulan na ang pag-iimbestiga kung sino ang pinaka-puno't dulo ng kaganapang ito at kung ano ang pakay nila."
"Pakiramdam ko ito ang kanilang unang hakbang sa pananalakay. Ito ay isang senyales na sasamantalahin nila ang kahinaan ng inyong kaharian—"
"Sino bang nagsabing mahina ang aming bansa? Hindi ibig sabihin na hindi na matutuloy ang kasal ng prinsipe ng Tarean at ng aking anak, ang prinsesa, humina na ang aming kaharian. Baka nakakalimutan ninyong lahat, nasa aming bansa ang pinaka-pinagkukunan ng mga ginto!" usal ng hari.
"Nababadya namin ang susunod na pagsalakay sa inyong bansa. Masosolusyunan lamang ang kaguluhang ito kung itutuloy ang kasalan o kung hahayaan nyong si Axel ang mamumuno tutal siya ang panganay na lalake ng iyong kapatid," suhestyon ng isang hari na sinang-ayunan naman ng ibang partisipante sa pulong.
Napatayo ang hari sa galit. "Wala namang batas at kasulatan na hindi maaaring mamuno ang babae, hindi ba? Muli ko lang ipapaalala sainyo, ang prinsesa ang namuno para solusyunan ang insidenteng pagdadakip at panggagahasa sa mga kababaihan habang kayo nakaupo lamang sa inyong mga trono at naghihintay ng balita."
Tinapos na ng hari ang pagpupulong dahil paikot ikot lang naman ang tinatalakay nila na halatang iisa lamang ang pinaparating. Gusto nilang ilagay si Axel bilang tagapagman at susunod na tagapamuno imbes na ako dahil siya ay lalake. Otherwise, I will have to marry the Crown Prince.
Despite my efforts, they still don't believe in my capabilities.
"Nasaan na si Zane? Kahapon ko pa siya hindi nakikita," tanong ni Ami habang inaasikaso niya ang suot kong formal na dress para palitan ng pangtulog.
Bigla ko din na-realize na huling beses na nakita ko si Zane ay bago niya ako iwan sa Tanay para sa misyon. Bigla ay dinaluyan ako ng pag-aalala dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Masyadong naging okupado ang isip ko dahil sa kaganapan at halos hindi ko na napansin na wala siya sa paligid.
Inawat ko si Ami nang simulan niyang suklayin ang buhok ko. "Pwede mo bang papuntahin dito sa Kazeen?"
"Masusunod, mahal na prinsesa."
Pag-alis ni Ami, nagtungo ako sa malaking bintana para tignan ang kapaligiran. The place looks peaceful at this time.
Ano kaya sa susunod na araw?
Ilang sandali lang ay dumating na si Kazeen.
Nagbigay-pugay siya bago nagsalita.
"Nagsalita na po ang mga dawit sa kaso, prinsesa. Ang hari ng Biyud ang nasa likod ng lahat. "
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito... sangkot din si Duke Lucas?
"Sheryl is his secret concubine."
Kazeen speaks multi-lingual dahil kanang kamay siya ng hari at kasama siya sa pakikipagtransaksyon sa kabilang empire.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...