Chapter 19
"Where is my guard?" tanong ko sa mga doctors na naabutan ko sa kwarto ni Zane.
Nakiusap sa akin ang mga doktor ko kanina na huwag akong lalabas hangga't di nila nalinis ang sugat ko sa ulo, hindi pa ako nakakapag-almusal at nakakainom ng herbal.
Tanghali na nang makaalis ako sa aking silid para puntahan si Zane. Ngunit hindi ko na siya nadatnan.
Wala na si Zane at ibang pasyente na ang nandito.
"He was discharged this morning and His Highness sent him back to your kingdom."
"What?" agad akong nairita.
How dare he decide what to do with Zane without asking me first?
I calmed myself. After all, he saved my life. It would be too ungrateful for me to mock him now when he just saved me from danger.
Hindi ko rin nakita si Donovan buong araw. I stayed in the infirmary until the evening when my parents arrived. They were both worried and my mom even cried while hugging me.
"Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagpunta doon?"
Doon ako natigilan sa tinanong sa akin ng aking ama. Sa hindi malamang dahilan, hindi ko maalala kung ano ang rason ng pagpunta ko sa Tanni Puquio gayong delikadong lugar ito.
Gusto ko lang bang mamasyal at curious lang ba ako kaya ko pinuntahan iyon?
Inanyayahan kami ng emperror at empress na sa palasyo nila kami magpalipas ng gabi. Medyo maayos na ang pakiramdam ko at kaya ko nang maglakbay pauwi.
Naghapunan kami kasama ang emperror at empress pero wala si Donovan. Hindi ko na tinanong kung bakit wala siya.
Maraming masasarap na pagkain sa mahabang mesa. May iba't ibang klase ng luto ng karne, gulay, isda, at mga prutas pero wala akong gana.
They are talking about nothing but politics.
Napansin ata ng empress na medyo nababagot ako kaya binaggit niya si Donovan. "He's in his room. In case you want to check on him."
I excused myself before leaving the table. Sinamahan ako ng dalawang maids at tatlong guards papunta sa kwarto ni Donovan. Papalapit palang ako ay naririnig ko naang sigaw ni Donovan.
Pinagbuksan ako ng pinto ng dalawang kawal habang nakayuko.
Tumambad sa akin ang Donovan na walang pang-itaasa.
Kumunot ang noo niya. Ganito ba talaga siya kung magulat kapag nakikita ako? Imbes na manlaki ang mga mata eh kumukunot noo siya.
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...