Chapter 25
Mabuti nalang dumating ang reyna. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Donovan. Dahil sa sinabi niya, mas gusto ko nang umuwi.
Nagi-guilty ako dahil hindi ko maibabalik ang nararamdaman niya para sa'kin. He has everything. Siya yung tipo ng lalake na unang tingin mo palang ay magugustuhan mo na. Bukod sa pisikal na anyo, espesyal siya dahil isa siyang prinsipe.
Ngunit may iba akong gusto.
Inutusan ako ni Donovan na maghintay sa kwarto niya. Babalik din daw siya matapos niyang makipag-usap sa reyna.
Inaliw ko ang sarili ko sa pagtanaw ng moon mula sa bintana. Hanggang sa maya-maya lang ay dumating na siya.
"I'm sorry," ang una niyang sinabi. Umiwas siya ng tingin at naupo sa sofa. Lumapit naman ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Were you scared of me?" tanong niya sa malumanay na boses.
Tumango ako. "When you pointed your sword at me. But I know you're not a bad person."
Napaangat ang ulo niya dahil sa sinabi ko. Unlike kanina na malamig at walang kaemo-emosyon, nakikita ko ang pagsisisi sa mga mata niya... na may bahid ng lungkot. "You don't think I'm ruthless?"
Umiling ako. "Sigurado akong magiging mabuti at magaling kang hari."
Napangiti siya sa sinabi ko. "What do you think of me?"
"You are one of the persons I trust the most and you are special to me because you are my friend." Tapat na sabi ko sakanya.
"A what?" Parang gusto niyang ibahin ko ang sinabi ko.
"Your Highness, I-I want to go home." Nag-stutter ako nang sabihin uli iyon. Naalala ko na naman yung kanina. "I miss my home. And I have duties as a princess of our kingdom."
Bumuntong-hininga siya bago tumango. "I respect your decision."
Natahimik kaming dalawa hanggang sa may nilabas siya mula sa damit niya. Isang pulang rosas. Oo nga pala, nagpalit siya ng damit kanina nang malamang ipinapatawag siya ng reyna. Magmumukha siyang walang galang kung haharap siya sa mahal na reyna at hari na naka-robe lang.
Tinanggap ko ang rosas na iniabot niya. "I still can't wait to marry you, though."
Natawa na ako ng tuluyan. Para kasing biro lang sakanya ang magpakasal.
"You look beautiful tonight." Sumandal siya at hinaplos ang clip sa buhok ko. Nginitian ko siya.
Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang hinahaplos ang clip. Ang lalim niya kung tumitig. "Callista," tawag niya sa pangalan ko. "Anong gusto mo?"
"Huh?"
Matagal bago siya nagsalita. Tila nag-aalinlangan kung itutuloy ba nya ang sasabihin o hindi. Bandang huli ay umiling-iling siya. Hindi na niya tinuloy.
"Kailan mo gustong umuwi?"
"Bukas na sana."
Yumuko siya saglit at tumango-tango.
"Can you spend your night with me, then?"
♚♚♚
Pinasan ako ni Donovan matapos niyang buksan ang isang bintana. Ewan ko ba sa lalakeng 'to kung anong trip niya.
"Baka naman mapagkamalan tayong magnanakaw nito, kamahalan?" tanong ko sakanya nung sinimulan niyang akyatin ang pader sa pamamagitan ng bakal na hagdan.
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Ibinaba niya ako nang nasa bubong na kami ng palasyo. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako. Pinanood ko lang siya hanggang sa makaupo na siya sa tabi ko.
Di alintana sa kanya ang pagod kahit na ang taas ng inakyat namin at pasan niya pa ako. May mga oras pa na may tinatalon siyang railings para makapanhik sa ibang bahagi upang patuloy kaming makaakyat. Kabisadong-kabisado niya ang bawat sulok at naisip kong madalas niya itong gawin.
Binalot kami ng katahamikan. Medyo tinatangay ng hangin ang buhok ko. Gusto ko ang pakiramdam ng hangin na yumakap sa balat ko habang nakatingin kami sa kalangitan sa kagandahan ng buwan na pinapalibutan ng iilang bituin. *deep talks*
"If the multiverse is real, would you still like to be a princess in another dimension?"
Napatingin naman ako sakanya ng bigla siyang magtanong out of the blue. "I don't," tapat na sabi ko. "Sure, being a princess is such a privilege and I could easily get anything I want with this title... but being a princess... is a lot."
"I like my title as the crown prince. Whatever I say is necessary and correct. It entails power and authority. And in the theory of the multiverse, even if there's no monarchy system, I would still want to be powerful so I can have everything... especially you."
"Your highness," tawag ko sa pangalan niya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "In two years, we will get married. I can't wait." Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya na may iba akong gusto. Wala rin namang saysay dahil nakatakda kaming ikasal para sa alyansan ng kanilang empire sa aming empire. Marami ang naglu-look forward sa pagkakaisang ito. Marami ang umaasa.
They already decided on my future. Are my feelings even necessary?
BINABASA MO ANG
Epiphany
General FictionChandria got transmigrated to the tragic novel she's reading before she passed out for some odd reason. Paano niya masasabayan ang kwentong alam niyang karumaldumal ang kasukdulan? ***************** In the blink of an eye, Chandria's ordinary evenin...