AEY'S POV
KINABUKASAN nakatanggap ako ng text mula kay Mr. Tob at pinapapunta nya ako sa kanyang opisina ng makarating naman ako ay wala ito at ang sabi naman ng kanyang sekretarya ay nasa meeting daw ito.
Nililibot ko naman ng aking tingin at kahit ilang beses na ako nakapunta dito ay hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa aking nakikita–naglalaro sa kulay puti at itim ang kulay ng kanyang opisina; Hindi ganun kadami ang mga gamit at sasapat lang para sa kanyang gagamitin.
Ang laki ng kanya opisina ay katumbas ng laki ng aming tinutuliyan o baka mas malaki ito. May sofa na malaki at may tv, sa kabilang gilid ay isang sliding door sa loob nito ay isang lamesa na may mansanas sa gilid nito ay isang book shelves na puno ng libro—siempre. Sa kanyang lamesa naman ay isang computer at mga papel na nakaayos na nakapatong sa isa't-isa.
Lumapit ako sa kanyang lamesa at umupo sa isang upuan sa tapat nito.
"Ano to?" kinuha ko ang isang heart keychain "Ang galing" mangha ko na mabuksan ito isang picture ng babae
"You are here" nalapag ko sa lamesa ang keychain na hawak ko, nangunot ang noo nito at umupo sa kanyang upuan
"Long time no see" nakangiti kong bati at hindi naman ito sumagot
May nilapag itong folder sa harap ko at sumenyas ito na kunin ko at tulad ng kanayng senyas ay kinuha ko ito at binuksan.
"Enrollment form? para saan?"
"I thought you want to study?"
Nanlaki ang mata ko "Seryoso ba ito?" nakangiti kong wika habang nakatingin sa papel
Inangat ko ang aking tingin at nakita ko itong walang emosyon na nagbabasa ng kung ano-ano "Thank you. Mr. Tob"
"Dylan"
"Huh?"
"Call me Dylan"
"Thank you, Dylan" nakangiti ko pa ring wika, umangat ang tingin nya sa akin "Sabi ko na nga ba, may tinatago kang bait" umiling lang ito
Nilapag nya ang folder na kanina nyang binabasa "That's not free" wika nito at sumandal sa kanayng upuan
"Wala akong pera kung yun ang gusto mo, pero handa ko gawin ang lahat"
"I don't care about your money"
"E ano ang gusto mo?"
"Mmm?" gamit ang hinlalaki ng kanyang kamay ay hinawakan nito ang kanyang labi at dahil doon ay napalunok ako at napaiwas ng tingin "Pft"
Napatingin ako sa kanyang habang sya ay nakangiti at nagulat naman ako sa kanyang reaksyon ngumiti sya? bumaling ang tingin nya sa akin na kinawala ng ngiti nya.
"Alam mo dalasan mo ang pag ngiti mo" wika ko "Mas okay kung ngumiti ka"
"Tss" umiiling ito at binalik ang tingin sa kanyang folder
Sandaling katahimikan ang umingay sa kanyang opisina, umupo ako sa upuan sa kanyang harap at pinanood lang sya sa kanyang ginagawa. Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking dila spara maiwasan ang mga tanong na maaaring lumabas sa aking bibig.
Tumingin sya sa akin "What?"
"Anong what?" tanong ko
"You want to ask something?"
Bakit ang lakas ng kutob nitong lalaking ito "Wala" ang tanging sagot ko lang pero sinubukan ko labanan ang aking dila sa pag tatanong pero talagang nanalo ito "Bakit mo ako pinapasundan kay Roave?"
Hindi ito sumagot at parang inaasahan nya ang pag tatanong ko, tumayo ito at kumuha ng alak bago nag salin sa kanyang baso.
"Hindi ako manhid at mas lalong hindi ako tanga"
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
ActionWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Biglang isang mabilis na anino ang humarang sa kanya mula sa isang madilim na eskinita. B...
