XLVI

506 3 0
                                        

AEY'S POV

Yung hilo at sakit ng katawan ko ay biglang nawala at napalitan ng galit dahil sa aking nasaksihan.

"I'm so sorry Ms. Gaboy" wika ng lalake bago ito nag lakad palayo "You can take care of her, do everything you want" huling wika nito

Isang malakas na tawan ang narinig ko sa mga demonyong lalake, lumapit ang isa at tinignan ko ito sa mata bago ko hinila ang kanyang kamay patungo sa akin at sinipa ang pagka lalake nya, mabilis akong tumayo at inagaw ang baril nang lalakeng malapit sa akin at walang ano-ano'y kinalabit ko ang gatsilyo at pinaputukan ko ito sa kanyang ulo. Gamit ang lalakeng iyon ay ginawa ko ang kanyang katawan na panangga upang hindi ako matamaan ng baril na patungo sa akin.

Sa mga oras na ito ay hindi ko na kilala ang aking sarili ang alam ko lang ay galit ako dahil sa kanilang ginawa. Sa mga oras na ito galit ang aking nararamdaman.

Halos hindi na ako natakot sa pwedeng mangyari sa akin halos pati ako ay hindi ko na makilala ang aking sarili.

ROAVE'S POV

"TANGINA!" iritable kong wika ng hindi ko na makita ang sinasakyan ni Ms. Aey "Tanginang sasakyan yan" buntong ko sa sa sasakyan na humarang sa harap ko kanina "Tangina trap yata yun" bulong ko nang halos malibot ko na ang buong lugar at hindi makita ang taxing sinasakyan ni Ms. Aey

Kahit alanganin at takot hindi dahil sa sarili ko at sa galit na pwedeng ibuntong sa akin ni Mr. Martinez pag nalaman nya na naiwala ko sa paningin ko si Ms. Aey, natatakot ako na baka kung ano ang pwedeng mangyari sa buhay nya.

Bumalik ako sa opisina ni Mr. Martinez at wala sya doon.

"Roave!" napalingon ako sa tumawag sa akin

"Rohan" 

"Si Ms. Aey?" hindi ako nakasagot ng duktungan nya ang kanyang sasabihin "Naiwala mo sya... Nasa kamay sya ng mga--"

"Roave, Rohan" napalingon kami ng sabay ni Rohan ng marinig namin ang tumawag sa amin 

Si Jara, dati pangarap ko lang na makita na sama sama kaming mag kakabata pero ngayon nakakaramdam ako ng takot sa tuwing sama sama kami dahil sa ganitong sitwasyon alam kong delikado at gyera ang kakaharapin namin.

Nasa elevator patungo sa basement kung saan namin ginagawa ang mga illegal naming gawain at kung saan nagaganap ang ilang illegal na pag pupulong.

Nang makarating kami sa basement ay parang may isang malaking bato na humarang sa pag lunok ko ng makita si Mr. Martinez na seryoso habang nakatingin sa monitor.

Kasama ang ilan naming kababata na si Brixx at kean na ngayon ko na lang ulit nakita

"Mr. Martinez" tawag ni Brixx "10 traps from here and I have deactivated some"

Hindi sumagot si Mr. Martinez pero humarap sya sa amin "No matter what, I need her to be safe"

Katulad ng dati, naming gawain nag simula na ako paganahin ang ilang surveillance camera na pwede naming daanan, sinusubukan ko ilocate ang kinaroroonan ni Ms. Aey sa tulong ng tracker na nakakabit sa kanyang cellphone.

Habang si Rohan ay hinahanda na ang mga tao na aming isasama. Katulad ko, kaming dalawa ang nagiging kamay ng grupo habang ang iba ay nagiging daliri.

Habang nag aayos ako ay syang pag aayos din ni Brixx ng ilang armas namin, tulad ng mga baril, flashbomb at ilang bomba.

"Pwede natin idaan ang ating sasakyan dyan" wika ni Kean sa gilid, katulad ng sinabi nya ay sinunod ko ito at nag lagay ng marking point. Si Kean naman ang bahala sa mga sasakyan na pwede namin dalhin dahil sya ang may toka sa lahat ng running vehicle namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Puta (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon