Chapter 1

1K 49 9
                                    

Chandee's Pov

"Chandee anak bumaba ka na at kakain na!" Tawag na sigaw ni Mama

"Nandiyan na po!" Pasigaw din na sagot ko at nagmadaling mag suklay. May pasok pa kasi kaming tatlo.

"Ate ikaw nalang pumunta mamaya para kumuha sa card ko ha?" Sabi ni Yvone habang nag aalmusal

"Anong oras ba? Alam mo naman may klase din ako" tanong at sagot ko sa kapatid ko habang naglalagay ng palaman sa tasty (loaf bread)

"Alas tress pa naman yon tapos wala na kaming pasok after makuha mga report cards namin" -Yvone

"Pasensiya na Chandee may meeting kasi kami mamaya sa isang kliyente saktong 3pm pa ang usapan" Sabi naman ni Mama na kakaupo lang at naglagay ng sinangag sa plato niya

"Okay lang Ma vacant time ko naman yung 3:15 hanggang 4pm" sagot ko

"Salamat naman. Kanina ko pa iniisip kung sino pwede kong pakiusapan kung hindi ka p-pwede" Sabi pa ni Mama. Ngumiti nalang ako at tinuloy ang pagkain.

Sabay sabay kaming tatlong umalis ng bahay. Todo lock kami sa mga pinto at bintana dahil walang naiiwan dito sa bahay. Di rin kami nag iiwan ng susi sa ilalim ng doormat o kaya sa mga paso. May kanya kanya kaming dala. Talamak kasi nakawan dito samin at alam ng magnanakaw kung saan iniiwan mga susi ng mga tao.

*****

"Chandee!" Nakangiting tumingin ako sa likuran ko ng marinig ko si Mariel na tinatawag ang pangalan ko.

"'Bat ang dami naman yata niyan?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa'kin

"Oo nga e buti pa tulungan mo nalang akong magbuhat" pakiusap ni Mariel

Kinuha ko ang ilang pirasong libro na dala niya at binitbit iyon. Sabay na din kaming naglakad papunta sa classroom namin.

"Ano ba gagawin mo sa mga 'to?" Tukoy ko sa mga librong dala namin.

"Pinapatapon na ni Mama kaso nanghihinayang ako, balak ko sana I donate sa school" sagot nito

"Hala! Bakit pinapatapon sayang naman mukhang maayos pa naman sila"

"Maayos pa talaga. Diba mahilig kang magbasa? kung gusto mo pumili ka baka may magustuhan ka bago ko ibigay sa library"

"Talaga? Di ko tatanggihan iyan maraming salamat" nakangiting sabi ko

Pagdating namin sa classroom ay pumili agad ako. Gusto ko sanang hingin yung limang libro pero parang napaka greedy ko naman. Sa limang pinagpipilian ko may isang libro na para bang nagpapapansin talaga sa'kin.

"Okay lang ba heto nalang hiramin ko?" Tanong ko kay Mariel at pinakita yung libro na may pamagat na Storm Front

"Ang galing mong pumili ang ganda ng kwento niyan. Kung gusto mo talaga yan sayo nalang" pagpayag nito

"Thank you, babasahin ko agad pag-uwi ko" nakangiting sabi ko

"Walang anuman" nakangiting sabi nito

Natigil kami sa pagdadaldalan ng dumating na ang prof namin at nagsimulang mag attendance.

*****

"Gutom na ako ano kaya ang ulam sa canteen? Sana may sinigang na baboy" Sabi ni Hailey habang hinihimas ang tiyan niya

"Sana may beef caldereta ang sarap kasi ng beef caldereta nila" Sabi naman ni Mariel

"Masarap nga ang konti naman, mas bet ko parin ang may sabaw" Sabi naman ni Patricia

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon