Chapter 47

360 38 2
                                    

Chandee's Pov

Ang lambot ng higaan at ang init ng kumot ko, ang sarap tuloy magbabad sa higaan. Nag iba ako ng posisyon at hinila ang kumot ko. Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses bago dahan dahang iminulat ang mga mata.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako na nasa harapan ko ngayon si Kapitan kaya naman pinikit pikit ko pa ang aking mga mata. Bigla ko naman naalala yung nangyari kagabi sa aking kwarto. Napaupo ako at hindi makapaniwalang nandito na nga ulit ako sa Dalya at nasa harapan ko ngayon si Kapitan.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko alam kung ilang beses na niyang itinanong to. Bakas sa boses at mukha nito ang pag aalala habang hawak ang isang kamay ko.

Kumurba ang dulo ng mga labi ko at walang pasabi na tumalon sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Nandito na ako nakabalik na ako" Sabi ko habang tumutulo ang mga luha

"Hindi na ako papayag magkahiwalay pa tayong muli" sabi naman niya na mahigpit rin ang pagkakayakap sa'kin.

Humiwalay kami ng pagkakayakap at nakangiting tinignan ang isa't isa. Parehong luhaan ang mga pisngi namin ngunit makikita ang saya na magkasama na ulit kami.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito "bagay sa'yo ang balbas mo mas gumwapo ka" sinserong sabi ko habang pinapadaan ang daliri sa balbas nito

"Maari akong mang ahit kung gusto mo" sagot naman niya na ikinailing ko

"Malinis tignan yung naka ahit ka pero mas lalaki ka naman tignan ngayong may balbas ka. Kahit ano naman sa dalawa ay ayos lang ikaw parin naman yan" Sabi ko

Tumango siya at hinawakan ang mga kamay ko na ibinaba ko na. "Huwag kana ulit aalis masisiraan ako ng bait" Sabi nito at may tumulo na naman na luha sa mga mata niya.

Umiling ako at pinunasan ang mga tumulong luha din sa mga mata ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagdikit ang mga labi namin. "Hindi na ulit ako aalis at kung sakali na hindi mapipigilan ng pagkakataon isasama kita kahit saan pa ako mapunta" Sabi ko at yumakap sa kanya

"Patawad kung wala akong nagawa noong kunin ka sa'kin. Naging bangungot iyon sa'kin at gabi gabi kong naaalala kung paano ka kinuha ng liwanag na iyon sa harapan ko. Sising sisi ako, alam kong walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Patawad mahal ko naging pabaya ako" bumalik sa akin ang mga alaalang sinabi niya. Umiling iling lang ako habang umiiyak sa balikat niya.

"Wala kang kasalanan, nangyari ang lahat ng iyon dahil may dahilan. Ang mahalaga naman nandito na ako at magkasama na ulit tayo. Sa pagkakataong ito wala ng maaaring magpahiwalay sa'tin maliban nalang kung hindi mo na ako mahal" Sabi ko at humiwalay ng yakap sa kanya

"Kahit kailan hindi ka nawala sa puso't isip ko, araw araw nangungulila ako sa'yo at mas minamahal ka. Walang puwang ang ibang babae sa buhay ko dahil ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa mga susunod na buhay ko" Sabi naman nito

Kapwa kami ngumiti sa isa't isa at muling naglapat ang labi naming dalawa. Nag uumapaw ang saya ko sa mga oras na ito at alam kong ganoon din siya. Sa wakas nakabalik na ako sa totoong mundo kung saan naroon ang asawa ko.

*****

"Seryoso anim na taon na ang nakakalipas mula ng maglaho ako dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa mga tao sa paligid ko. Paglabas ko kasi ng kwarto kanina bigla nalang nila akong pinaglupungan.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon