Chapter 22

397 21 0
                                    

Chandee's Pov

Lumipas ang mga araw at hindi na nga ako nilalapitan ni Kapitan. Ni tumingin sa akin ay hindi narin nito ginagawa. Papansinin lang niya ako kapag kasama niya ang pinuno o mga ministro. Babati lang siya yun lang. Kung dati ay lagi siyang nasa tabi ko at laging nakasunod kahit saan ako magpunta, ngayon ay may mga inuutusan nalang siya para bantayan at samahan ako.

"Ang dami naman binigay ni Karlo na turon hindi natin mauubos to binibini" Sabi ni Glenda pagkakuha namin sa turon na binigay ni Karlo. Tinuruan ko kasi ang nanay niya magluto ng turon saging pandagdag sa pangkabuhayan nila. Nalaman ko naman pumatok ito sa mga tao at ngayon ay pinadalhan nga kami.

"Hindi talaga natin mauubos na tayong dalawa lang ang mga iyan. Dalhan nalang natin sa kusina para matikman ng iba" suhestiyon ko

"Parang nakikita ko na si Aling Mildred na natutuwa kapag nakita itong turon. Ilang araw na kaya niya akong tinatanong paano gawin ito. Hindi ko naman masabi dahil hindi ko naman nakita paano mo tinuruan si Aling Cora paano gawin ang turon" Sabi nito

"Napaka simple lang naman gawin yan bakit hindi niya ako tinanong kung gusto niyang malaman? Sinabi ko lang naman kay Aling Cora na huwag munang ipagsabi sa iba kung paano lutuin ang turon dahil maraming gagaya sa kanya kung sakaling maging mabenta. Gusto ko lang naman kumita muna siya bago niya ipagsabi paano yun gawin. Tignan mo sina Nanay Fe at Tatay Jose, ang dami na nila ngayon nagtitinda ng banana cue at kamote cue ngayon" Sabi ko

"Oo nga po binibini kahit saan ako tumingin may nagtitinda na ng piniritong saging at kamote. Pero marami pa naman bumibili sa tindahan ng magulang ni Pablo kahit marami na ang gumaya sa kanila.. Kasi daw sila ang orihinal na tinuruan mo sa pagluluto ng piniritong saging" pagmamalaking sabi nito.

Ngumiti nalang ako sa kanya at umiling. Natutuwa naman ako na kahit sa simpleng bagay lang ay nakatulong ako kina Nanay Fe at Tatay Jose. Sana lang maging matagumpay din si Aling Cora sa pagtitinda ng turon at magkaroon ng sariling pwesto para hindi na siya naglalako ng paninda niya.

"Oo nga pala binibini pupunta ba talaga tayo sa pamilihan mamaya? Ayoko kasi talaga yung ugali ni Lilibeth na iyon" nakasimangot na sabi niya

"Mabuti nalang ipinaalala mo muntik ko ng makalimutan. Pagkatapos nating ibigay ang mga iyan sa kusina pupunta na tayo sa pamilihang bayan. Kailangan kong tumupad sa usapan namin ni Lilibeth" Sabi ko

"Nakakainis. Ang dami naman pwedeng tulungan bakit ang babaeng iyon pa kasi" bulong na maktol nito

Kahapon kasi ay pumunta kami sa pagamutan ni Glenda upang tumulong doon kahit lang sa pag check ng blood pressure ng mga may sakit. Dinala ni Lilibeth ang Ama niya doon na tatlong taon na daw na hindi nakakalakad dahil sa nangyaring aksidente dito. Pinatingin na daw nila ito sa ibang doktor at iisa ang mga sinabi ng mga ito na hindi na magagamit ng kanyang ama ang isang paa nito. Ngayon ang gusto niyang mangyari ay gamutin ko ang kanyang Ama upang makapag trabaho na ulit ito at hindi maging pabigat pa sa kanila.

Pinaunawa ko naman kay Lilibeth na hindi ako doktor at wala akong kakayahan na pagalingin ang kanyang ama ngunit hindi nito matanggap at tinawag akong peke. Nagbigay ako ng suhestiyon maging si Doktor Gilberto na bigyan nalang ng saklay ang ama niya upang makakilos parin ito at maging normal ang pamumuhay ngunit wala daw kwenta ang saklay. Wala daw tatanggap na trabaho sa kanyang Ama kung nakasaklay ito. Ang nais niya talaga ay maibalik sa dati ang paa ng kanyang Ama upang makapag trabaho ito at masuportahan sila.

Hindi ako doktor at lalong hindi ako magician. Dahil sa awa kay Mang Isko na tahimik na lumuluha ay nangako ako na tutulungan ko sila paano kumita ng pera. Nakita ko ang pag aliwalas ng mukha ni Mang Isko sa sinabi ko kahapon at nag taas kilay naman si Lilibeth. Sinabi ni Lilibeth na kung yung tulong na sinasabi ko ay makakapagbigay buhay sa kanila tatanggapin nito na ako nga ang babaeng itinakda na hinihintay ng lahat.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon