Ewen's Pov
"Mukhang hinahanap hanap mo ang lasa ng mga pagkain namin dito"
Tumingin ako kay Isabelle at nginitian siya.
"Walang duda na masarap naman talaga ang pagkain dito sa inyo" sagot ko sa kanya
"Hindi mo yata kasama si Binibining Chandee?" Tanong nito at tumingin pa sa paligid para kumpirmahin na hindi ko ito kasama
"Galing ako sa daungan kaya hindi ko siya kasama. Tungkol nga pala sa nakita mo kahapon maaari bang humiling sayo na walang pagsabihan?" Pakiusap ko
"Hindi ba siya ang babaeng itinakda? Kung hindi ako dumalo sa salo salo kagabi ay hindi ko malalaman" Sabi nito
"Paumanhin kung hindi namin sinabi sayo kung sino siya kahapon ayoko lang pangunahan si Ama na ipakilala siya" sagot ko
"Sabihin mo sa'kin ang totoo, may namamagitan ba sa inyong dalawa ng babaeng itinakda?" Tanong nito na diretyong nakatingin sa mga mata ko
"Kaya ako nandito ngayon para pakiusapan ka na huwag ipagsabi ang nakita mo" sagot ko naman sa kanya
"Ang tanong ko ay kung magkasintahan ba kayo" Sabi nito
Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya habang namumula ang mga mata nito na nakatingin sakin.
Tumango ako.
"Ayaw sana namin malaman ng iba ang relasyon namin" pagsisinungaling ko na hindi inalis ang tingin sa mga mata niya
"Pero kailan mo lang siya nakita napakabilis naman na nagustuhan mo agad siya" pahayag niya
Bumalik naman sa akin noong una kong makita ang binibini. Bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala kung paano kami nagkita. Wala akong masabi kung hindi napaka ganda nito kahit may halong takot ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Mahirap paniwalaan ngunit sa unang pagkikita palang namin dalawa ay nabihag na agad niya ang puso ko" seryosong sabi ko
"Imposible!" Napatingin sa amin ang ibang kumakain dahil sa pagtaas ng boses niya. Napansin naman niya ito kaya kumalma siya at nginitian ang mga ito "sigurado ako na ginamitan ka niya ng mahika. Baka nga hindi siya ang babaeng itinakda at pinadala lamang siya ng Astor para mag espiya" sabi nito
"Hindi ako naniniwalang isa siyang espiya na mula sa Astor. Marunong akong tumingin at kumilatis ng mga tao kung nagsisinungaling ba ang mga ito. Ilang beses ko ng nabasa ang Alamat at ang lahat ng palatandaan ay nakita ko sa kanya kaya naman nagdesisyon akong dalhin siya sa Pinuno upang kumpirmahin ang hinala ko" Sabi ko
"Nahulog ka na talaga sa mahika ng babaeng iyon" mariin na sabi nito "pinaglalaruan ka lang niya at sigurado ako na pinagtatawanan ka niya ngayon" Sabi pa nito
"Kung iyan ang iniisip mo sa kanya ay wala akong magagawa. Siguro mas mabuting ikaw mismo ang kumilala sa kanya. Bakit hindi mo siya dalawin sa bahay at kaibigan siya? Suguradong matutuwa siya" Sabi ko
Tumingin ito sa ibaba at ngumisi.
"Hindi ba't siya yon?" Turo nito sa ibaba. Hinanap ko naman ang itinuturo niya at nakumpirmang si Binibining Chandee nga iyon at ang tagapagsilbi niya. "Hayaan mo isang araw dadalawin ko siya at ipapaalam sa lahat ang kasinungalingan niya" Sabi nito tsaka siya umalis
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...