Chandee's Pov
Tagaktak ang pawis at hinihingal ng magising ako. Pangalawang araw ko ng napapanaginipan ang lalaking iyon. Wala pa siyang mukha ng unang mapanaginipan ko siya at maging ang ibang tao sa paligid ko. At ngayon nga may mukha na akong nakikita. May mga sinasabi ang mga ito ngunit hindi ko talaga maintindihan. Pero sa panaginip ko naman ay nagkakaintindihan kami.
Pinunasan ko ang mga pawis ko at uminom ng tubig. Hindi naman ako yung tipo ng tao na nananaginip talaga. Ang nakapagtataka pa ay iisang panaginip lang iyon sa magkasunod na araw pa.
Tinignan ko ang digital clock at alas singko y medya palang. Maaga pa para bumangon pero tumayo na ako. Hindi na rin naman ako makakatulog nito kaya magluluto nalang ako ng almusal namin.
Habang nagpiprito ako ng itlog ay parang may scenario na dumaan sa isip ko. Nagluluto rin ako at may tatlo akong kasama na babae. Natatandaan ko sila, sila din yung nasa panaginip ko.
Natakot ako para sa aking sarili at pinatay ko na yung apoy at pumunta sa may sala at umupo sa sofa.
"Tiyak pagkakaguluhan na naman iyang niluluto mo binibini" Sabi ng isang babae sa isip ko. Pumikit ako at pilit pinapakalma ang sarili. Bakit may naiisip akong ganito? Bakit parang totoong nangyari.
Minulat ko ang mga mata ko at inilagay ang dalawang kamay sa tapat ng puso ko. Sino ba sila, bakit kamukha ko yung babaeng tinatawag nilang binibini. Ako ba yung reincarnation nung babae? Pero alam ko mga bata lang nakakaalala sa mga dating buhay nila.
Nasa sofa lang ako at tahimik na nag iisip kung ano ang gagawin ko. Paano kung reincarnation nga tawag sa problema ko? Kailangan ko na bang magptingin sa psychiatrist? Baka kapag kinwento ko sa iba ito sabihin nila nag h-halucinate lang ako at nababaliw na.
Ganoong posisyon ako nakita ni Mama sa may sofa. Medyo nagulat pa nga ako ng hawakan niya ang balikat ko.
"Ang aga mong nagising anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Mama
"A-ah ano" Sabi ko na naghahanap ng isasagot "maaga kasi akong nagising magluluto sana ako ng itlog pero bigla ulit akong inantok kaya pumunta ako dito" sagot ko kay Mama
"Baka naman hindi ka talaga natulog at nagbabad na naman sa laptop mo kaya inaantok ka ngayon" Sabi nito na tinalikuran na ako
Sumunod ako kay Mama sa kusina at pinanood siya sa ginagawa niya. Nagtimpla ito ng dalawang tasang kape at binigay sa akin yung isa.
"Gusto mo ng pancake?" Tanong nito habang nakatingin sa loob ng ref namin
"Kahit ano nalang Ma hindi naman ako mapili sa pagkain" sagot ko sa kanya
"Ikaw hindi mapili pero ang kapatid mo mapili" sagot niya na naglabas ng mga itlog at bacon. "Ito nalang muna almusal natin tinatamad akong magluto" wika pa niya na simulan na pancake na lulutuin niya. Sinalang narin niya yung bacon, hindi kasi mabubuhay si Yvone na walang bacon kapag almusal.
Inubos ko lang ang kape ko at umakyat na ulit sa kwarto ko. Mauuna na akong maliligo sa kanila para hindi ako madaliin ng maldita kong kapatid mamaya.
Nang matapos akong maligo ay blinower ko na ang buhok ko. Sa pag boblower ko napansin ko yung singsing na suot ko. Mula ng makita kong nakasuot ito sa akin ay hindi ko pa tinatanggal, Ewan ko ba lagi ko nalang nakakalimutan. Hinubad ko yung singsing at ipinatong sa may mesa ko. Narinig ko na sa baba ang kapatid ko kaya binilisan ko na ang pag aayos at bumaba na.
******
"Sis!" Napatingin ako kay Patricia na tumawag sa'kin kaya huminto ako sa paglalakad at hinintay siya.
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...