Ewen's Pov
"Pakiusap tama na" sa ikalawang pagkakataon nakiusap na naman siya sa'kin "tumigil ka na" muling sabi nito na nagpadurog sa puso ko.
Bakit yung iba pwede? Bakit ako hindi? Ano ba ang dahilan kung bakit ganito siya sa'kin. May nagawa ba akong mali? Nagagalit ba siya sa'kin dahil lagi akong nakasunod sa kanya?. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko at ayoko lang naman may mangyari na hindi maganda sa kanya.
Umiling ako. Hindi na ako papayag na ganito ang sitwasyon naming dalawa. Sinubukan ko naman pagbigyan siya kahit mabaliw baliw ako kakaisip sa kanya ngunit hindi ko na kaya. Pinigilan ko ang kamay niya ng subukan niyang iwanan ako.
"Sinubukan ko naman binibini ngunit hindi ko pala kaya. Ayokong magsisisi kaya ipaglalaban at ipipilit ko ang pag ibig ko sa'yo kahit ayaw mo" seryosong sabi ko habang diretyong nakatingin sa mga mata niya
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sa sobrang lakas nito ay parang nagmanhid ang pisngi ko. Nakita ko rin ang pagpatak ng mga luha nito na nagpalambot sa'kin.
"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin yan ngayong alam mo na magkaibigan kami ni Glenda" Sabi nito na patuloy ang pagluha. Gusto ko sanang pahiran ang mga luha niya ngunit nag aalala akong baka mas lalo siyang lumayo sa akin.
Itinuro nito ang pintuan. Heto ang kinakatakot ko ang palabasin niya ako na hindi kami nagkakausap o nagkakaintindihan.
"Alam ko magkaibigan kayo, dahil lang ba sa dahilang iyon kaya nagagalit ka at ayaw mo akong kausapin? Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Siguro nalaman na nito na pinapakiusapan ko si Glenda na sabihin sa'kin ang mga kailangan nito at ang mga lakad niya. Alam kong mali pero yun lang ang alam ko para maprotektahan siya.
"Sa sobrang kakapalan ng mukha mo at bilib sa sarili hindi mo na alam kung bakit, Hindi ka kasi makuntento sa isang babae lang. Hindi ko na isasali dito si Isabelle pero ang tuhugin mo kaming dalawa ni Glenda na alam mong magkaibigan kami ay sobrang kapal mo na. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? May nobya ka na naghihintay sa labas para makausap ka pero nandito ka at kung ano anong walang saysay ang sinasabi mo ngayon". Walang prenong sabi nito na nagpagulo lalo sa isip. Pinunasan nito ang mga luhang nagsibagsakan sa pisngi niya. Pilit kong iniintindi ang mga sinabi niya hanggang sa magkaroon ako ng ideya sa mga nabanggit niya.
Magsasalita na sana ako para dipensahan ang sarili ko ngunit umalis na ito sa aking harapan at nagtungo na ito sa kanyang higaan. Huminga ako ng malalim at tinignan siya. Nakatalukbong ito ng kumot halata na ayaw na niya akong makausap.
Inulit ulit ko naman sa isip ko ang mga sinabi niya kanina kaya naman lumabas ako at hinanap si Glenda. Nakita ko siya sa may hardin at kausap si Pablo. Alam ko na magkasintahan ang dalawa. Pinasunod ko silang dalawa sa akin papunta sa silid ng binibini. Kailangan ko ang tulong ng dalawa kung sakaling kailanganin kong magpaliwanag.
*****
Chandee's Pov
"Binibini natutulog ka na ba?" Tanong ni Glenda.
"Hindi pa pero matutulog na. Paki ligpit nalang ang mga pinagkainan sa mesa at magpahinga ka na rin ng maaga" sagot ko na hindi inalis ang pagkakatalukbong ko sa kumot. Ayoko kasing makita niya gaano ako kamiserable ngayon.
"Kailangan nating mag usap" Sabi ng pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali boses ni Kapitan iyon. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kumot ko. Ayokong makita at makausap pa siya.
"Kung meron kang gustong sabihin ipagpabukas mo nalang, pagod ako at gusto ko ng magpahinga" Sabi ko
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang umangat ako sa ere. Inalis ko ang kumot sa mukha ko at tinignan si kapitan na buhat buhat ako.
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...