Chandee's Pov
Inakala yata ng mga residente na may medical mission kami sa lugar nila kaya naman nagsipuntahan ang lahat ng may karamdaman. Wala naman kaming magawa ni Doktor Gilberto kundi tulungan lahat sila. Marami ang dumaing samin na masakit ang tiyan nila at pabalik balik sa palikuran. Tinanong namin sila kung anong dahilan ng pananakit ng mga tiyan nila ngunit wala silang ideya kung saan nila ito nakuha.
Ayon sa aking napansin hindi naman mahirap ang lugar ng Sittio Batuan ngunit hindi rin naman lahat maginhawa ang pamumuhay dito. Magaganda ang mga bahay at maganda rin ang kasuotan at itsura ng karamihan. May ilan lang talaga na hindi na siguro umangat sa pamumuhay ngunit iilan lamang naman ang nakita ko.
"Binibini" napatingin ako kay Agustin. Bahagya pa nga akong nagulat ng makita siya "nasabi ni Ama na nandito ka raw kaya pinuntahan kita" Sabi nito
Tabingi akong napangiti. Siya ba ang tinutukoy ni Ministro na papupuntahin niya upang makatulong sa'min?
"Salamat sa pagpunta, dito umupo ka muna" Alok ko sa mahabang kahoy na upuan sa tabi ko. Lumapit naman siya at umupo
"Nagpadala ako ng mga pagkain at halamang gamot, darating na ang mga yon maya maya, nauna lang akong pumunta dito" Sabi nito
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Maraming salamat" Sabi ko
"Wala iyon, tungkulin namin ang kaayusan ng Dalya ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil sa tulong na ginagawa mo" Sabi nito
"Diba Ministro ang Ama mo? Ikaw anong katungkulan mo dito sa Dalya?" Tanong ko
"Ako? Wala. Hindi ko naman kailangan may hawakan na posisyon para maging mabuting mamamayan dito sa Dalya. Isa pa kung gusto kong tumulong tutulong ako kahit wala akong posisyon" napabilib naman ako sa sagot niya. Tama naman kasi siya, hindi kailangan may posisyon para tumulong sa kapwa.
****
Unti unting dumami ang mga pasyente, maging yung mga walang sakit kanina na napagtanungan ko ngayon ay masakit narin ang tiyan.
"Hindi po ba't ayos lang kayo kanina bakit biglang sumakit ang tiyan niyo?" Tanong ko sa ginang
"Hindi ko rin alam binibini apat na akong beses nagpabalik balik sa palikuran pero ang sakit pa rin ng tiyan ko" sagot nito
"Ano po ba ang huli niyong kinain?" Tanong ko
"Nagluto ako ng nilagang baboy yun ang huling kinain ko pati yung bagong saing ko rin na bigas" sagot nito
"Ilan po kayong kumain ng niluto niyo? Ikaw lang po ba ang sumakit ang tiyan?" Tanong ko pa
"Kaming dalawa lang ng anak ko pero ayun siya" tinuro nito ang isang babae na nakapila "sumakit din ang tiyan niya pagkatapos naming kumain kanina" sagot nito
Agad ko siyang binigyan ng halamang gamot at sinabi kung gaano katagal pakukuluan iyon. Sinabi ko rin na kumain ng prutas lalo na ang saging kung meron sila at uminom ng maraming tubig.
Sa dami ng nagpapakunsulta ay hindi na kami nakapag tanghalian at nalipasan na ng gutom. Madilim narin ng matapos kami at nagpasyang umuwi. Wala kaming nalaman kung anong sanhi ng sakit nila dahil hindi naman parepareho ang mga kinain nila at yung iba ay hindi naman nakisalamuha sa may mga sakit kaya imposibleng nahawaan lang sila.
"Maraming salamat sa tulong at paghatid sa akin" Sabi ko kay Agustin ng makarating kami sa tapat ng tarangkahan. Gusto ko sana siyang ayain sa loob at dito na sa bahay ng pinuno maghapunan ngunit naalala ko na wala pala ang pinuno ngayon.
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...