Chapter 41

302 21 0
                                    

Chandee's Pov

Ang daming taong naka abang sa tapat ng kani kanilang bahay habang papunta kami sa sentro.  Nakasakay ako ngayon sa karwahe katabi si Kapitan. Araw nga pala ngayon ng kasal namin.

Hindi naman talaga namin kailangan magparada ngunit request iyon ng mga tao dahil hindi lahat makakapunta. Isa pa ay ako ang kanilang tinatawag na babaeng itinakda kaya naman gusto din nilang masaksihan ang masayang araw ko.
Iikot lang kami sa sentro at babalik din agad. May naghihintay narin na mga tao sa bulwagan kung saan gaganapin ang aming kasal.

Magkahawak kamay ni Kapitan habang magkatabi na nakaupo sa loob ng karwahe. Kapag naaalala ko reaksyon niya kaninang makita ako ay natatawa ako. Gandang ganda lang naman siya sakin ang haba ng hair ko.

"Baka mapunit bibig mo kakangiti" pagbibiro ko sa kanya

"Natutuwa lang naman ako, hindi ko inaakalang ganito karaming tao ang nakaabang sa pagdaan natin" sagot niya

"Oo nga e, kung maari ko lang sana silang yakapin at pasalamatan isa isa ay ginawa ko na" sagot ko at muling kumaway na may malapad na ngiti sa mga tao sa labas.

"Mahal tignan mo yung mga bata" turo ni Kapitan sa kabilang daan kung saan may mga bata na nagsasabog ng mga bulaklak.

"Oh! Si Klara yung isa sa kanila, naalala mo ba siya? Siya yung nagkasakit ng bulutong tubig" Sabi ko

"Hindi ko alam kung sino siya dun sa mga bata pero natatandaan ko yung iba. Naging pasyente mo rin sila" sagot nito

"Talaga? Hindi ko na matandaan ang mga mukha nila. Masaya ako malusog at masigla na sila ngayon" Sabi ko at kumaway ulit sa mga tao. Kumaway rin si Kapitan at nagpasalamat.

*****

Nasa bulwagan na si Kapitan at naghihintay sakin. Ako naman ngayon ay naglalakad na sa pulang carpet na may mga kulay pula at puting talulot na mga rosas. Habang naglalakad palapit kung saan naroon si Kapitan at naghihintay sakin ay hindi ko naman maiwasan ang mapaluha dahil naalala ang pamilya ko. Kung nasa Manila lang kami at kinakasal tulad ng nangyayari ngayon malamang kasama ko ang Papa ko at hinahatid ako sa altar.

Malapad ang ngiti na nilapitan ako ni Kapitan at inalalayan patungo sa harap ni Pinunong Oscar. Si Pinunong Oscar ang magkakasal samin dalawa.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal at lahat ay nakikinig sa sinasabi ng Pinuno. Mukhang ganito rin ang ginagawa ng mga kinakasal sa huwes, nangangaral muna at pinapayuhan ang ikakasal.

.

Nang matapos na si Pinuno sa pangangaral ay nagsimula na itong magtanong. Parang tanong lang ng pari sa simbahan ang mga tanong niya kaya hindi naman nakakapanibago sakin.

"Ngayon Ewen at Chandee ay binabasbasan ko na kayo ay mag asawa na" sambit ni Pinunong Oscar. Nagpalakpakan naman ang lahat at nag request ng kiss mga tao. Pinagbigyan namin sila pagkatapos ay nagkayakapan kaming mag asawa.

Napuno ng palakpakan ang buong bulwagan at lahat ay masayang binabati kami. Magkahawak kamay na kinausap namin yung mga tao na bumabati sa'min.

"Kakausapin ko lang sina Glenda" bulong ko kay Kapitan at tinuro kung nasaan sina Glenda at ibang tagapaglingkod

"Pupuntahan kita doon maya maya" pagpayag naman niya at ngitian pa ako. Nakangiting umalis ako sa tabi niya at naglakad patungo kina Glenda. Tuwang tuwang sinalubong pa ako nito.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon