Chapter 33

331 18 0
                                    

Chandee's Pov

Pagkatapos naming mag almusal ni Kapitan kanina ay sinabihan niya ako na huwag aalis o lalabas ng bahay na hindi siya kasama. Hindi ko alam kung bakit ako umoo sa kanya. Siguro may inilagay siyang kung ano sa niluto niya para mapa oo ako.

Dalawang oras na ang nakalipas at hindi ako mapakali. Palakad lakad ako sa buong kwarto ko habang naglilinis naman si Glenda.

"Hindi ka ba napapagod sa kakaparoot parito mo binibini? Ako ang napapagod sa ginagawa mo eh" Sabi ni Glenda

Lumapit ako sa kanya at iniupo siya sa mahabang sofa at tumabi sa kanya.

"Kanina pa kasi ako hindi mapakali gusto kong malaman ang kalagayan ni Kuya Aries. Kinakabahan kasi ako na ewan. Gusto kong malaman kung bumuti na ang lagay niya o napalala ko pa dahil sa ginawa ko" Sabi ko sa kanya

"Naku binibini! Ibinilin ni Kapitan na huwag kang papayagan umalis ng bahay. Ayokong mapagalitan niya at baka mapaalis din ako dito sa bahay" Sabi naman niya na lumayo pa sa'kin

"Hindi naman ako aalis ng bahay" Sabi ko at nagkatinginan kami

"Edi mabuti" tumatango tango pang sabi niya habang nakatingin kami sa isa't isa.

Nginitian at tumango din ako sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at tila binabasa ako.

"Hindi ako aalis ng bahay dahil ikaw ang aalis. Pumunta ka sa pagamutan at alamin ang lagay ni Kuya Aries" Sabi ko.

"Sabi na nga ba ayoko yung ngiti mo e" napatayong sabi nito. "Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay dahil bilin ni Kapitan na bantayan kita. Pagkatapos ko ngang maglinis ng silid mo ay maglalaba ako e, kaya wala rin akong oras pumunta sa pagamutan" Sabi nito

"Sandali ka lang naman, aalamin mo lang naman kalagayan niya tapos balik ka na dito" Sabi ko pa

"Paumanhin binibini pero hindi ko iyan magagawa, pinag iingat din kami ng Pinuno at sinabihan na huwag lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Naghihigpit din ang mga bantay at mga sundalo dahil sa marami ng nadudukot na kababaihan" sabi nito

Padabog na umiwas ako ng tingin sa kanya at humalukipkip. Kahit sino sigurong pintor ang guguhit sa mukha ko ngayon ay tiyak na mahihirapan.

Dahil sa wala naman akong choice kundi sumunod sa mga bilin nila ay nagtungo nalang ako sa kusina. Inabutan kong nagkukwentuhan sina Ate Susan, Mildred, Helen at Selena.

"Kumusta" masiglang bati ko sa kanila

"Binibini ikaw pala, mabuti naman kami" sagot ni Ate Susan

"Nabalitaan ko yung ginawa mo kahapon ang galing mo talaga napa bilib mo ang lahat" Sabi naman ni Ate Mildred

"Ah yun po ba, nag aalala nga ako dahil wala akong balita kay Kuya Aries" malungkot na sabi ko

"Ang rinig ko kanina ay nagpapagaling na siya, kalat sa buong bayan ang kabayanihang ginawa mo" Sabi naman ni Selena

"Ano pa ang nalaman mo tungkol kay Kuya Aries?  Nakakagalaw na daw ba ito? Nakakakain?" Sunod sunod na tanong ko

"Pasensiya na binibini ang narinig ko lang kanina ay nagpapagaling na siya" sagot nito

Tipid na nginitian ko siya "ayos lang at salamat sa ibinalita mo kahit papaano ay alam kong lumalaban siya para gumaling" malungkot na sabi ko

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon