Chapter 8

460 30 0
                                    

Chandee's Pov

Sakay kami ni Pinunong Oscar sa karwahe habang si Glenda at iba pang tagapaglingkod ay nakasunod sa likuran ng karwahe at naglalakad. Naaawa ako sa kanila dahil mahaba haba ang lalakarin namin. Nasa gilid naman ng karwahe si Kapitan Ewen habang sakay sa kanyang kabayo at sa kabila naman ay si Eliazar. Nakasunod rin ang ilang sundalo na sakay rin sa mga kabayo nila at ang ilan naman ay naglalakad.

Nakangiting hinawi ko ang kurtina na gawa sa kabibe upang makita ko ang mga taong nasa daan na naghihintay sa pagdaan ko. Hindi ko lubos maisip na marami ang magkaka interes na makita ako.

"Ang daming nag aabang sayo para masilayan ka" nakangiting sabi ni Pinuno "masdan mo sila kung gaano sila kasaya" dagdag pa niya

"Tama po kayo, nakikita ko ang saya sa mga mukha nila at nababasa ko rin sa kanila na umaasa sila na mababago ko ang buhay nila. Ngayong nakita ko sila ay tsaka ko lang naintindihan ang bigat na pasanin na naka abang sa balikat ko" Sabi ko tsaka muling tumingin sa labas at tinignan sila. Ngumiti at kumaway din ako sa kanila na para kahit sa ganung paraan lang ay mapasaya ko sila.

"Malaki talaga ang problema ng Dalya ngunit huwag kang mag alala tutulungan kita para maresolba ang mga iyon. Masunurin naman ang mga taga dito kung meron mang sumusuway ay ilan lamang ang mga iyon"

"Wala naman pong perpekto at lahat naman pong lugar hindi mawawala ang mga pasaway. Maging sa pinanggalingan ko po ay hindi nawawala ang gulo. Kadalasan na pinanggalingan ng gulo ay dahil sa kahirapan, dahil sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, dahil sa kapangyarihan at kayamanan"

"Binibini! Babaeng itinakda!" tawag sa akin ng mga tao. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa dami nila.

"Binibini!" Rinig ko na boses ng isang bata. Nakita ko naman yung bata na tumatakbo at may hawak na kwintas na bulaklak "binibini!" Tawag ulit nito. Nginitian ko siya at kumaway pa sa kanya.

"Binibini may gusto po akong ibigay sa inyo!" Sigaw niya habang nakikisabay sa ibang mga tao

"Pakihinto po sandali ang sasakyan" Sabi ko

"Pero binibini"

"Sandali lang po talaga Pinuno" pakiusap ko

Pinahinto naman ni Pinuno ang karwahe. Mabilis na umaksyon naman si kapitan para protektahan ako. Hinarang din ng mga sundalo ang mga taong gustong makalapit sakin.

Noong una ay ayaw akong pababain sa karwahe ni kapitan pero syempre gagawin ko parin ang gusto ko isa pa may go signal ako sa Pinuno. Hinanap ng mga mata ko yung bata kanina na tumatakbo at agad ko naman siyang nakita. Pinipigilan siyang makalapit ng mga sundalo pero may inaabot itong bulaklak na kwintas. Halos magkagulo ang mga tao ng lumapit ako sa kanila at maging si kapitan ay naalerto.

"Kukunin ko lang yung ibinibigay ng bata" Sabi ko kay Kapitan

"Hanggang dito ka nalang binibini huwag ka ng lumapit dahil baka magkagulo ang mga tao at masaktan ka" Sabi nito

"Binibini para po sa inyo" sabay pa kaming napatingin ni kapitan sa batang lalaki na siguro ay nasa labing dalawang taong gulang

"Kung ayaw mo akong lumapit sa kanya baka pwedeng siya nalang palapitin mo dito" sabi ko

Tinawag naman niya ang isang sundalo at pinalapit sa akin yung bata.

"Binibini para po sa'yo ito" masayang sabi ng bata. Yumuko naman ako para maisuot niya sa leeg ko

"Ang bango maraming salamat. Ano pala ang pangalan mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya

"Ako po si Samuel kapatid po ako ng isa sa inyong tagapagsilbi. Nandito rin po ang pamilya ko para makita kayo ngunit nasa malayo na po sila kaya ako nalang ang tumakbo para maibigay sa inyo ang bulaklak" Sabi nito

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon