Chapter 23

381 19 0
                                    

Chandee's Pov

"Dapat pala nagmasa na tayo ng marami kanina" Sabi ko kay Mang Isko habang tinutulungan siya sa pagmamasa ng dough

"Napakarami na niyan kanina binibini hindi lang namin sukat maisip na magkukulangan pa pala" nakangiting sagot nito

"Nakakatuwa nga po eh marami ang bumibili" malapad ang ngiting sabi ko

"Dahil sayo" Sabi naman niya

"Hindi po, dahil masarap po talaga ang donut na binebenta natin" totoong sabi ko. Ang bilis natutunan ni Lilibeth ang paggawa at pagluto ng donuts. Mas masarap at mas fluffy pa nga ang kanya kaysa sa itinuro ko

"Ang totoo niyan ay kinakabahan kami kanina bago pumunta dito. Nangutang lang kami ng pandagdag puhunan at ibinuhos dito ang lahat ng pera namin" Sabi pa niya

"Huwag kang mag alala ama mukhang makakabayad agad tayo ng utang, ganito sana lagi karami ang bumibili sa atin" Sabi ni Kiko na tumutulong naman sa Ate niya sa panunukli.

"Mag dilang anghel ka sana" Sabi ni Mang Isko sa anak

"Sigurado yan ama magtiwala lang" sagot naman ni Kiko

Abala ang buong pamilya ni Mang Isko, hindi nila alintana ang hapdi sa balat dahil sa sikat ng araw. Wala kasing bubungan ang pwesto nila buti nalang nakasilong ang pwesto namin ni Mang Isko.

Kinuha ni Mabel ang mga nakatabing dough na pwede ng iluto at binigay sa ate Lilibeth niya. Si Juancho naman ang nag shishake ng mga nailuto na sa isang lalagyan para mabalutan ng asukal. Habang si Ella naman ang nag aayos sa mga dinidisplay na donuts at nagbebenta narin kapag may iniluluto pa ang ate niya. Tumutulong din si Glenda sa pagtitinda, nagtatawag siya ng mga kostumer at sinasabi pa nito na ako ang nagturo sa paggawa ng donuts. Mukhang epektibo naman  dahil ang dami ngang bumibili at nangungumusta sa'kin ng makita ako.

Alas onse na ng magpaalam kami ni Glenda kina Mang Isko. Kailangan na kasi namin umuwi dahil nakapangako ako kay Anna na sabay kaming kakain ng tanghalian. Nangako din ako na tuturuan siyang gumawa ng diy paper crafts. Natuwa kasi siya ng gumawa ako ng pinadalhan ko siya ng iba't ibang klaseng papel na bulaklak.

"Dapat pala nagdala ako ng payong kanina, ilang araw ng mainit at maalinsangan" Sabi ni Glenda habang sakay kami ng kargo pauwi sa tahanan ng pinuno.

"Napansin ko nga rin na iba ang init ngayong araw, mainit nga noong mga nakaraan ngunit hindi naman ganito" puna ko

"Parang nung nakaraang taon  lang din na sa sobrang init nagbitak ang mga lupa, Hindi makapag tanim ang mga magsasaka kaya tumaas ang bigas at mga gulay" Sabi naman ni Glenda

"Dahil yon sa El Nino, naging problema din sa'min yan noong nakaraang taon. Isa pa ang heat stroke, maraming nahihimatay dahil sa sobrang init at kakulangan ng tubig sa katawan. Kaya kung wala din gagawin sa labas magpirmi nalang sa loob ng bahay" Sabi ko

*****

Pagdating namin sa bahay ay dumiretyo ako sa kwarto ko at inayos ang sarili. Nakakahiya kasing humarap kay Anna na madungis at amoy araw ako. Lagi kasi siyang malinis at mabango. Ewan ko ba sa batang iyon kahit nakikipaglaro siya sa labas at pinagpapawisan mukhang mabango parin. Naalala ko tuloy noong bata ako lagi akong napapagalitan ni Mama dahil mukha raw akong batang hamog pag umuuwi ako sa bahay after ko makipaglaro.

Nang maayos ko ang sarili ko ay inaya ko na si Glenda sa silid ni Anna. Nakasimangot nga ito dahil ayaw niyang makita si Maneng. Mukhang nagka alitan na naman sila.

"Ate Chandee halika pasok akala ko nakalimutan mo na ang pangako mong sabay tayong kakain ngayon, papupintahin ko na nga sana sa silid mo si Maneng para sunduin ka" Salubong sa'kin ni Anna ng makita niya ako

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon