Chapter 28

368 22 0
                                    

Chandee's Pov

Kasama ang ilang taga Sittio na nag boluntaryong tumulong din samin na samahan kami sa sapa. Napag alaman namin na dito pala sila sa sapa kumukuha ng tubig na ginagamit nila sa pang araw araw sa mga tahanan nila.

"Dati napaka lamig ng tubig dito ngunit ngayon ay naging mainit na. Ang sabi ng ilan ay dahil sa mainit na panahon" Sabi ni Mang Alipio habang binabagtas namin ang kahabaan ng sapa.

Habang naglalakad kami ay sinasabi ng mga boluntaryong taga rito ang kasaysayan ng sapa nila. Napag alaman ko rin na galing sa Sapa ang pangalan ng Sittio Batuan dahil sa mga naglalakihang bato ang nakapaligid roon.

Nakarating kami sa may mga tumpok tumpok na malalaking bato. Simula daw ng may makuhang ginto doon ay marami ng nagmina ngunit pinagbawal ng Pinuno kaya't tumigil na rin ang mga ito.

Nag ikot ikot pa kami hanggang may napansin akong grupo na naliligo sa may batis.

"Pwede din po palang maligo dito?" Tanong ko sa katabi ko na taga Sittio

"Opo binibini marami ang naliligo dito lalo na ngayon na mainit ang panahon. Kadalasan ay nagbabaon pa kami ng mga pagkain lalo na ang mga taga ibang ibayo para hindi magutom"  Sagot nito

"Pero di po ba dito rin kayo kumukuha ng iniinom niyo?" Tanong ko pa

"Malinis parin naman ang tubig dito kahit dito kami naliligo. Dito nga rin kami naglalaba at matagal na namin iyon ginagawa" Sabi pa nito

Tumango nalang ako. Ayokong sumang ayon sa sinabi nito na malinis ang tubig. Oo at malinaw nga ang tubig pero hindi ako sigurado kung malinis nga ito dahil ang umaagos ay kontaminado na galing sa unahang bahagi kung saan mayroong mga naliligo.

Nakarinig ako ng hiyaw ng kabayo kaya naman napatingin ako kung saan ito nanggaling. Nakita ko ang paghinto sa pagtakbo ng kabayo at ang pagbaba ng sakay nito. Literal akong napanganga ng makita si kapitan na papalapit sa akin ngayon. Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya.

"Mabuti nalang at may nakapag sabi na dito kayo pumunta, ang sabi ni Glenda maaga ka daw umalis ng bahay" Sabi nito ng makalapit siya sa'kin

Sasagot sana ako ngunit may mga lumapit sa amin na bumati sa kanya.

"Magandang umaga kapitan" lahat ay bumati sa kanya at kilala siya. Napatitig nalang ako sa kanya na ngayon ay nakangiti at kinakausap ang mga ito. Ang gwapo talaga niya lalo na kapag ganitong ngumingiti siya, lagi nalang kasing seryoso ang mukha niya at mukhang laging galit.

"May napansin ka bang kakaiba binibini?" Tanong ni Agustin sa'kin na hindi ko man lang napansin na nakalapit na pa la sa akin.

Nginitian ko siya at umiling "Wala naman maliban lang sa mga naliligo" Sabi ko

"Marami ngang may naliligo dito, maging ako noong kabataan ko ay madalas maligo dito kasama ang mga kaibigan ko. Malinaw at malamig kasi ang tubig dito" nakangiting sagot niya

"Yan nga din ang sabi ni Mang Isidro sa'kin kanina. Dito rin daw sila naglalaba" Sabi ko

"Tama ka binibini mahirap kasi ang tubig dito sa Sittio Batuan malalayo ang mga balon na pinagkukuhanan ng tubig. May mga poso naman ngunit walang lumalabas na tubig" Sabi pa niya

"Kaya pala dito sila lahat umaasa sa sapa" Sabi ko at tinignan ang malinaw na tubig na umaagos sa sapa.

Nagulat naman ako sa kamay na biglang pumulupot sa baywang ko.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon