Chapter 14

431 25 0
                                    

Chandee's Pov

Panibagong umaga panibagong araw na naman. Kagabi ay pinasya kong maging produktibo ngayon ang araw ko. Ilang araw na kasi akong nakakulong lang sa kwarto ko at si Glenda lang ang nakikita ko. Wala kasi si kapitan at ibinilin nito na huwag muna akong lalabas ng bahay. Dahil nangako ako sa kanya na magiging mabait ako at susundin ang gusto niya kaya sumunod ako.

Ang kaso apat na araw na akong walang ginagawa kundi humilata nalang sa kama daig ko pa ang may sakit. Ang bilin lang naman ni kapitan ay huwag akong lumabas ng bahay at hindi niya sinabi na bawal akong magsaya.

Dahil nga gusto kong maging produktibo ang araw ko ngayon kaya naman mabilis akong nagtungo sa kusina para tumulong magluto doon. Hindi ako marunong magluto pero kaya ko naman maghugas at magbalat ng mga gulay.

"Nanay Miranda ano pa po ba ang pwede kong maitulong?" Tanong ko pagkatapos kong mag dikdik ng bawang.

Tinanong din pala niya ako kung ano ang ibig sabihin ng nanay at ng sinabi ko ang kahulugan nito ay natuwa siya. Karangalan daw nito ang matawag na nanay ng babaeng itinakda. Medyo sanay na din naman ako sa pagtawag nila sa'kin ng ganoon.

"Umupo ka nalang diyan binibini kaya na namin mga gawain dito" sagot nito

"Kaya nga po ako nagpunta dito para makatulong e" kandahaba ang ngusong sabi ko

"Manood ka na lang binibini at baka masaktan ka" Sabi pa niya

Mas mabuti namang manood ako sa kanila kaysa bumalik sa kwarto ko at mainip doon.

"Ate Susan ano po yang ginagawa niyo?" Tanong ko dito dahil may ibinabalot siyang karne sa repolyo.

"Ito ba? Ang tawag dito ay pinausukang baboy. Paborito ito ni Anna at nirequest niya ito kagabi" sagot nito

"Ahh.. mukha ngang masarap maaari mo bang dagdagan para matikman ko?" Nakangiting request ko

"Oo naman binibini para sa inyong lahat naman ang iniluluto namin" natatawang sagot niya

"Mukhang madali lang naman pala ibalot pwede ba akong tumulong?" Tanong ko pa

"Kung gusto mo ay pwede naman po" sagot nito

Natuwa naman ako dahil pinayagan niya ako kaya naman kumuha agad ako ng isang dahon ng repolyo at naglagay ng karne doon. Akala ko noong una ay madali lang ang pagbabalot ngunit mahirap din pala. Kailangan kasing itali pa ito sa sinulid upang hindi bumuka. Natatali ko naman yung akin kaso'y nahuhulog parin yung karne.

"Akala ko madali lang pero hindi pala" sambit ko

"Madali lang naman talaga nasa pagtatali lang ang sikreto para hindi bumuka ang dahon" sagot nito

"Pinapanood ko naman kayo paano siya itali kaso nagiging maluwang na kapag ako ang gumagawa. Hindi naman yata pwede at hindi magandang tignan kung ibabalot ko siya sa sinulid para lang hindi bumuka" Sabi ko

Tumawa naman si Ate Susan pati si Ate Roda sa sinabi ko. Pati tuloy ako nahawa kaya nakitawa na din.

"Ate Roda ano yang niluluto mo?" Pangungulit ko naman sa kanya habang pinapanood siyang may hinahalo halo sa kaserola.

"Pinapakuluan ko lang itong balinghoy kapag naluto na siya ay lalagyan ko naman siya ng gata ng niyong at lalagyan din ng asukal para gawing inuming panghimagas" sagot nito

"Ahh" Sabi ko at tumango tango kahit hindi ko naman alam kung ano iyon.

Ang plano kong tumulong sa kanila ay nauwi lang sa panonood ko sa kanila. Ayoko rin naman kasing kulitin sila para matulungan sila, may palagay din kasi ako na imbes na mapadali ko ang trabaho nila ay mapatagal ko pa lalo.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon