Chandee's Pov
"Nakatulog ka naba ng maayos kagabi?" Tanong ni Hailey sakin habang kumakain kami ng lunch
"Mm" tumatangong sagot ko.
"Mabuti naman, huwag mo nalang isipin ulit ang lugar na iyon ang weird kaya" Sabi pa niya
Pilit akong ngumiti at tumango para hindi narin sila mag alala pa.
"Narinig mo naman yung sinabi ng Lola ni Mariel kalimutan mo na iyon. Wala rin naman kasing tsansa makabalik ka doon. Yung boyfriend mo malilimutan mo rin masyado lang kasing sariwa pa sayo kaya nahihirapan ka pa" Sabi naman ni Patricia
"Paano niya makakalimutan kung binabanggit niyo pa, palitan niyo nalang ang topic" Sabi naman ni Mariel
"Mabuti pa nga kapag naaalala ko rin kasi kinikilabutan ako" Sabi naman ni Patricia
"E kung mag shopping tayo mamaya? Tapos magkaraoke tayo" suhestiyon ni Hailey
Tahimik lang akong nakikinig sa mga plano nila at sumasang ayon nalang ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin alam ang gagawin ko. Sa ngayon sasang ayunan ko muna ang mga kaibigan ko para hindi na sila mag alala pa sa'kin.
Bantay sarado ako sa mga kaibigan ko after naming mag lunch. Dati kasi pumupunta ako sa library para maghalungkat ng maari kong malaman tungkol sa Dalya. Ngayon ko napatunayan na sobrang mahal nila ako at ganoon din naman ako sa kanila.
Pagkatapos naman ng klase namin ay pumunta kami sa mall. Wala naman talaga kaming bibilhin mahilig lang talagang gumala ang mga kaibigan ko. Nang magsawa na sila kakalakad ay pumunta naman kami sa paborito naming lugar. Ang ktv bar and cafe malapit lang din sa Mall.
Okay na sana, pansamantalang nalimutan ko na ang Dalya ngunit ng pauwi na kami may nadaanan kaming matandang nanlilimos sa parking lot.
"Sige mauna na kayo sa sasakyan bigyan ko lang ng barya si Lola" nakangiting sabi ko sa mga kaibigan ko na nauna ng maglakad. Malapit nalang naman kasi ang kotse ni Hailey mga nasa limang hakbang nalang.
"Nababalutan ka ng liwanag" sabi ng matanda na ikinatingin ko sa kanya at ikinatigil ng mga kamay ko sa pagkuha ng coin purse ko
"Po?" Nagawa ko pang itanong habang nagtataasan ang mga balahibo ko
"Maari kang bumalik ngunit kailangan mong mamili. Ang mga taong mahal mo dito o ang mga taong mahal mo doon" Sabi nito
Bigla akong nanlambot sa mga sinabi niya. Nanginginig ako at baka mabuwal ako kung hindi ako kakalma.
"Kapag pinili mong manatili dito ay magiging normal parin ang buhay mo, maaalala mo parin ang lahat. Kung pipillin mo na bumalik doon ay mabubura ang mga alala ng mga taong mahal mo sa'yo. Wala silang matatandaan ng kahit ano sayo na para bang hindi ka nabuhay sa mundo" Sabi nito
"Chandee! Ang tagal mo!" Sigaw ni Patricia na dumungaw pa sa bintana ng kotse ni Hailey
"Ha? Oo hayan na" Sabi ko. Aabutan ko na sana ng barya ang matandang pulubi ngunit tinalikuran na niya ako.
"Pag isipan mong mabuti" habol na sabi pa niya at tuluyan ng umalis
Kinakabahan na pumasok nalang ako sa kotse ni Hailey. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maka upo ako. Sinandal ko ang likod ko at pumikit.
"Okay ka lang? Nahihilo ka?" Nag aalalang tanong ni Mariel na katabi ko ngayon sa backseat
"Hindi okay lang ako" pilit akong ngumiti at tinago ang panginginig
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...