Chapter 29

369 18 0
                                    

Chandee's Pov

Ang daming nagtatanong kung kailan pa kami nagkaroon ng relasyon ni Kapitan ngunit wala akong masagot. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala na may relasyon na nga kami.

Tumingin ako kay Kapitan na abala ngayon sa pagtingin sa tubig. Nabanggit ko kasi sa kanya na maaaring galing sa tubig dito sa sapa ang sakit.

Pagbalik namin sa Sittio Batuan ay pinatawag ni Kapitan ang lahat ng mga taga roon. Nang magtungo ang mga tao ay inisplika naman naming dalawa ni Doktor Gilberto ang sitwasyon.

"Para po ito sa kalusugan nating lahat" Sabi ni Doktor Gilberto sa mga tao ng matapos nitong iesplika kung bakit kailangan itigil ang pagkuha ng tubig sa sapa at gawing inumin.

Dahil alam naman nila na galing ako sa ibang mundo ay sinabi ko rin sa kanila kung ano ang mga sakit na makukuha nila sa pag inom ng kontaminadong tubig.

"Ang laking abala nito sa'min ngunit anong magagawa namin kung hindi kami susunod ay maaaring malagay sa peligro ang mga buhay namin" Sabi naman ng isang Ale.

"Huwag po kayong mag alala sasabihin namin sa Pinuno na ipaayos ang mga poso dito sa Sittio upang may pagkuhanan kayo ng mas malapit na makukuhanan ng tubig" Sabi ni Kapitan

"Ngunit kapitan ilang beses ng pinaayos ang mga poso ngunit lagi lang natutuyo. Maging ako ay nagpahukay narin ng sarili kong magagamit na poso dahil may katandaan na ako at hindi na kayang umigib sa malayo. Ngunit maruming tubig parin ang inilalabas nito na kahit panligo ay hindi magagamit" Sabi naman ng isang matanda

Alam ko rin ang problemang ito ng Sittio Batuan. Marami ngang mga poso at balon pero walang mga tubig.

"May gusto po sana akong suhestiyon upang bumalik tayo sa dati na pwedeng pagkuhanan ng tubig ang sapa" Sabi ko

"Ano po iyon binibini?" Tanong ng karamihan sa'kin

"Ang sabi po kasi namin kanina ay huwag ng kukuha ng tubig na iinumin sa sapa di po ba?" Sabi ko. Umoo naman sila. "Paano po kung isara nalang muna natin pansamantala ang sapa at hayaan pagalingin siya?" Sabi ko

"Ano po ang ibig niyong sabihin na isara siya? Saan kami maliligo at maglalaba?" Sabay sabay na tanong nila

"Ang balak ko po sana ay pagalingin muna ang sapa para makakuha ulit tayo ng tubig na pwedeng inumin. Ibig sabihin wala munang maliligo at maglalaba sa sapa. Napaka importante po ng malinis na inuming tubig. Alam ko rin po na malaking sakripisyo ito sa inyong lahat kaya naman gusto kong marinig ang opinyon niyo. Ang sinabi ko po ngayon ay walang saysay kung hindi kayo papayag. Nasa inyo pa rin po ang desisyon at ang sinabi kong ito ngayon ay opinyon ko lamang" paliwanag ko

"Naiintindihan kita binibini at maganda ang nais mong mangyari, ngunit sa tingin ko ay mas mahihirapan kami kapag isinara ang sapa. Maraming tubig ang ginagamit sa bawat bahay dito. Sa sapa lahat kinukuha at may kalayuan din ang sapa kaya naman doon na namin ginagawa ang pagligo, paglalaba para mabawasan ang iniigib namin. Kung isasara ang sapa at wala ng makakakuha ng tubig doon ay mas malaking perwisyo samin" Sabi ng isang residente. Sumang ayon naman ang lahat sa sinabi nito

"Naiintindihan ko po kayo, siguro nga mali ako dahil masyado akong natutok sa kagustuhan kong may mainom kayo ng malinis na tubig. Hindi ko naisip na malayo ang lalakarin niyo at magpapabalik balik pa kayo sa pag iigib para lang makaligo at makalaba kayo. Mas maige nga kung tubig na inumin nalang ang poproblemahin niyong igibin. Ang sinabi ko po kanina ay opinyon ko lang naman. Gagawa nalang po siguro tayo ng alternatibong paraan upang mapadali ang pagkuha niyo ng malinis na inumin." 

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon