Chandee's Pov
Mula kaninang umaga iniisip ko na kung ano ang gagawin ko ngayong naipakilala na ako sa bayan ng Dalya. Kanina rin pala naubos na lahat ng tiny toblerons ko dahil pinamahagi ko iyon sa mga tao dito sa bahay maliban lang kay Kapitan na sinadya kong hindi bigyan. Hindi ko rin kasi naisip na mauubos lahat dahil marami palang naninilbihan dito sa bahay. Kung iisipin 75 na piraso yon at naubos lahat sa mga naninilbihan dito sa loob ng bahay. Nakakahiya nga sa ibang mga sundalo dahil hindi ko sila nabigyan.
"Bakit hindi mo nalang ipatahi yan sa modista natin dito sa bahay o kaya kay Mona sa pamilihang?" Sabi ni Glenda habang pinapanood ako sa pananahi ng sarili kong damit.
"Marunong naman ako at wala naman akong ginagawa. Mahirap nga lang at matagal dahil walang sewing machine pero kakayanin ko naman makatapos ng isa hanggang sa susunod na araw" sagot ko
"Maaari ba akong magtanong binibini?" Napatingin ako sa kanya dahil biglang sumeryoso ang boses niya
"Sige magtanong ka" sagot ko
"Narinig ko kasi ang usapan kanina sa kusina kung ano ang una mong gagawin ngayong nandito ka na sa Dalya" binaba ko ang tinatahi ko at bumuntong hininga
"Ang totoo iyan din ang iniisip ko. Hindi ko kasi alam kung akong maitutulong ko dito sa inyo dahil wala naman akong nakikitang problema" nahihiyang sagot ko
"Maraming problema dito sa Dalya binibini. Wala ka lang sigurong nakikita sa ngayon dahil ilang araw palang naman ng dumating ka"
"Ano bang pangkaraniwan na problema niyo dito sa Dalya? Baka may maipayo ako at maisip na solusyon" tanong ko kay Glenda at hinawakan siya sa kamay
"Ang unang problema dito ay ang kahirapan. Karamihan sa mamamayan dito ay mahihirap kabilang na ang aking pamilya" sagot nito
"Pero wala akong kakayahan para hindi na sila maghirap" malungkot na sabi ko at tinignan siya sa mata "Hindi ko alam at wala akong ideya kung ano ang gagawin ko. Kung may maisip ka maaari bang sabihin mo sa'kin at ng mapag aralan ko kung ano ang dapat kong gawin" pakiusap ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam binibini wala kasing kakayahan ang magulang ko na pag aralin ako kaya bata palang ako'y tumutulong na ako sa kanila sa pagtatrabaho. Ang alam ko lang at laging sinasabi ng magulang ko at ng mga kakilala ko ay napakahirap mabuhay kapag mahirap ka. Kayod ng kayod sila sa pagtatrabaho pero sa huli ay mahirap parin sila"
"Sa mundong pinanggalingan ko ay ganyan din naman. Ang kahirapan ang pangunahing problema. Tumataas ang mga bilihin pero mababa parin ang sahod"
"Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mahihirap ay lalong naghihirap" Sabi pa ni Glenda
"Ano ba ang sabi ng pinuno tungkol sa usaping kahirapan?"
"Ginagawan naman ng paraan ng pinuno upang matugunan ang hinahing ng mga tao ngunit dahil sa hindi pagkakasunduan ng Dalya at Astor maraming mangangalakal ang hindi na pumupunta dito upang ibenta ang mga produkto nila. Kung meron man ay kakaunti na lamang at ibinebenta sa malaking halaga. Kung magkasundo lang sana ang dalawang bayan hindi ganito kahirap ang buhay" kwento nito
"Ano ba ang nangyari bakit hindi magkasundo ang Dalya at Astor?" Usisa ko
"Panahon pa ng mga ninuno namin ang hidwaan sa pagitan ng Dalya at Astor. Ang sabi sa kwento dating magkaibigan ang mga Pinuno ng dalawang bayan. Ngunit nagmahal sila ng iisang babae na nagwasak sa pagkakaibigan nila. Ayon sa nakatala sa kasaysayan nagpatiwakal ang babae at nag iwan ng sulat sa bawat isa sa kanila. Isang misteryo parin hanggang ngayon kung ano ang nilalaman ng sulat na naging sanhi rin ng pagpapakatiwakal ng Pinuno ng Dalya at Astor"
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...