Nakatayo si Chandee habang pinapanood ang mga anak niyang naglalaro ng taguan. Ang bilis dumaan ng panahon ang lalaki na ng mga anak niya. Walong taon na ang panganay niyang si Kevin anim naman ang kasunod na si Abby at tatlo naman si Joaquin. Kasalukuyan rin itong buntis sa pang apat nilang anak ni Ewen.
Mula sa likuran sumulpot si Ewen at pinalupot ang mga kamay nito sa tiyan ng asawa. Magkasama nilang pinanood ang mga naglalarong bata. Mula ng makabalik siya sa Dalya sampung taon na ang nakakalipas ay hindi na ito nakabalik sa mundong pinanggalingan niya.
Hanggang ngayon ay nangungulila parin siya sa pamilyang iniwan niya at kung maari ay gusto niya ulit makita ang mga ito at maipakilala ang asawa at mga anak nila. Minsan umiiyak nalang siya sa isiping iyon kahit alam niyang malaki ang posibilidad na hindi na siya kilala ng pamilya niya.
Malaki narin ang pagbabago ng Dalya mula ng bumalik siya sa Dalya. Malaki ang naitulong niya patungkol sa makabagong teknolohiya at ngayon ay kilala siya hindi lang sa Dalya kundi pati sa ibang karatig na bayan.
Malaki rin ang naiambag niyang tulong patungkol sa medisina, may ipinangalan pa ngang gamot sa kanya na ngayon ay ginagamit bilang pangunahing gamot sa lagnat.
Noon paman ay kilala na siya sa pagluluto ng kakaibang pagkain na talaga namang napakasarap. Lahat nalang ng niluluto niya ay talagang pinagkakaguluhan ng lahat. Dahil narin ibinahagi niya ang kanyang kaalaman sa pagluluto marami ang gumaya sa mga luto niya at ngayon ay kalat na ang mga ito hindi lang sa bayan nila. Taon taon nagkakaroon ng paligsahan sa pagluluto at ang tema ay mga luto niya. Ang pinapalad na nananalo ay nagkakaroon ng pagkakataon na turuan mismo ng babaeng itinakda ng bagong lutong tiyak na kagigiliwan ng lahat.
Sa ngayon ay abala si Chandee sa binuksan ni Pinunong Ewen na eskwelahan. Personal siyang nagtuturo ng sa mga mahihirap na kababayan nila na magsulat at magbasa. May mga propesyonal na guro rin siyang kasama doon.
Naging matunog ang pangalan ng mag asawang Ewen at Chandee sa lahat ng mga bayan. Naging maunlad ang Dalya dahil sa pamumuno nila. Wala ni isang bayan ang gustong kumalaban sa kanila, lahat ay nakikipag kaibigan sa kanila.
May mga bayan din na nag alok sa kanila para maging kapamilya. Gusto nilang maipakasal ang mga anak nila sa mga anak nila Chandee at Ewen. Ngunit sinasabi ng mag-asawa na hindi sila makikialam sa mga anak pagdating sa usaping pag-ibig. Kahit sino ang ibigin ng mga anak nila ay buong pusong tatanggapin nila ang mga ito.
Kung ang ibang Pinuno ay magagarbo ang pamumuhay nila, ang mag asawang Ewen at Chandee kasama ang kanilang mga anak ay nananatiling nakatira sa lumang bahay na pinamana pa kay Ewen ng magulang ng kanyang Ina. Nakakatawa man ang dahilan nila tungkol sa hindi pagtira sa malaki at mataas na bahay dahil daw mahihirapan ang mga tagapaglingkod nila ay mas lalong minahal naman sila ng kababayan nila.
Hindi rin daw nila kailangan magsuot ng mga mamahaling palamuti at kasuotan dahil madalas ay nasa bahay lang sila, may mga mamahaling gamit din naman sila ngunit ginagamit lamang daw nila ang mga ito kapag naiimbitahan sa ibang bayan.
Maging ang mungkahi ng mga opisyal na taasan ang bakod nila para sa kaligtasan nila ay hindi nila pinagbigyan. Gusto kasi nilang maramdaman ng mga kababayan nila na madali lang silang lapitan. Isa pa'y kinunsidera ni Ewen ang hilig ni Chandee na tanawin ang labas ng bakuran nila. Gustong gusto kasing nakikita ng kanyang asawa mula sa kanilang terasa ang nangyayari sa likod ng mababang pader nila.
"Ang bilis ng panahon at ang laki na ng mga bata, tignan mo si Kevin mukhang lalaking katulad mo. Ang sabi nga niya noong nakaraang araw ay gusto niyang maging Kapitan katulad mo" nakangiting sabi ni Chandee kay Ewen habang yakap siya nito
"Kahit ano pa ang gusto niya paglaki niya ay susuportahan naman natin siya. Kung desidido siyang mamuno bilang isang kapitan dapat lang talaga na ngayon palang ay magsanay na siya" sagot naman ni Ewen sa asawa
"Ayan din ang sabi ko sa kanya, pero mas gusto ko parin maranasan niya ang pagiging bata. Ang bata pa niya pero ang tanda na ng mga salitang binibitawan niya. Ang sabi pa niya p-protektahan niya ang mga kapatid niya pati tayong dalawa" hindi nito naiwasan ang matawa ng mahina. Natawa man siya ngunit alam niya at naniniwala siya sa anak niya na gagawin nga nito iyon.
"Kakaibang bata nga siya maging ang mga guro niya ay laging pinupuri siya. Katulad ni Abby na nakuha hindi lang ang mukha mo kundi pati ang ugali mo. Ipipilit at ipipilit niya ang gusto at hindi magpapatalo kahit kanino" Sabi naman ni Pinunong Ewen na puno ng pagmamahal na nakatingin kay Abby ang kanyang prinsesa..
"Eh ano naman masasabi mo kay Joaquin?" Tanong ni Chandee sa asawa
"Dahil yata lagi siya sa bahay ni Ama at lagi niya itong kasama nagiging magkamukha na sila" tumatawang sagot ni Ewen. Nakitawa at sumang ayon naman si Chandee sa asawa.
"Hindi ako magtataka kung sa paglaki niya ay maging pintor siya" magbuhat kasi ng bumaba sa pwesto ang dating Pinunong Oscar ay nahumaling na siya sa pagpipinta. Ngayon ang paborito niyang likha ay ang mga larawan ng kanyang mga apo. Madalas ay tinutulungan din siya ni Joaquin sa mga pinipinta niya. Nilalagyan ng kulay ang mga palad ng apo niya at idinidikit sa canvas niya at inaayos nalang.
Bigla naman nakaramdam ng pananakit ng tiyan si Chandee at tinignan ang asawa. Sinabi nito na masakit na ang kanyang tiyan. Nataranta naman si Ewen at hindi alam ang gagawin. Binuhat niya si Chandee habang tinatawag ang pansin ng isang tagapaglingkod na nasa malapit. Ibinilin nito na bantayan ang mga bata na naglalaro.
Sinalubong naman sila ng mga tagapaglingkod ng makitang buhat buhat niya ang kanyang asawa na namamalipit na sa sakit. Mabilis naman tumawag ng doktor ang mga tagapaglingkod para tulungan sa panganganak ang kanilang amo.
Pagdating ng doktor ay agad siyang pumasok sa silid ng mag asawang Pinuno ng kanilang bayan. Pawisan si Chandee habang katabi ang dalawang tagapaglingkod na umaasiste sa kanya. Dahil nakahanda na lahat ang gagamitin para sa panganganak ay tinuruan na ng doktor kung ano ang gagawin.
Nasa labas lang si Ewen kasama ang ilang sundalo at opisyal ng malaman ng mga ito na nanganganak na ang kanyang asawa. Katulad noong unang manganak si Chandee sa panganay nila at maging sa dalawang sumunod pa ay hindi ito makausap ng maayos. Palakad lakad ito at kinakabahan malayong malayo ang itsura niya kapag nakikipaglaban.
Nang marinig nito ang pag iyak ng sanggol ay tumigil ito sa paglalakad at malapad na ngumiti na tila lumuwag ang pakiramdam niya. Napatingin naman ang lahat sa kanya na may halong pag aalala, bago pa kasi nila mabigkas ang pagbati nila ay hinimatay na siya. Hindi na bago sa mga tagapaglingkod, sundalo, opisyal at maging sa kababayan nila na satwing nanganganak si Chandee ay hinihimatay siya.
Nang magising na si Ewen ay dali dali na niyang pinuntahan ang kanyang asawa. Maayos ang lagay ni Chandee at isang malusog na sanggol na babae ang iniluwal niya. Maluha luhang nilapitan nito ang asawa at hinalikan sa noo. Walang boses na lumabas sa bibig niya at binuhat ang natutulog na sanggol. Nang magising at umiyak ito ay mabilis naman niyang binigay kay Chandee upang mapatahan at dumede Nasa loob rin ng silid ang lahat ng kanilang anak na tuwang tuwa ng makita ang kapatid nila na pinangalanan nilang Catleya.
Nang muling makatulog ang sanggol ay niyakap ni Ewen si Chandee. Nagpasalamat ito dahil dumating siya sa buhay niya at naging Ina ng mga anak niya. Sinabi din nito kung gaano niya ito kamahal at ang pamilyang binuo nila.
Nakangiti silang pareho habang pinanood nila ang kanilang mga anak na binabantayan ang bunso nilang kapatid. Bawat galaw ni Catleya pati na ang mga maliit na ngiti nito ay kinakatuwaan ng magkakapatid. Wala ng mahihiling pa ang mag asawa kundi lumaking malulusog at nagmamahalan ang kanilang mga anak.
***Fin***
A/N
Wala naman akong ibang masasabi kundi thank you. Thank you sa mga nagbasa, nagbabasa mga bumoto at nag comment at sa mga friends ko at kapwa writers ko na todo support sakin, thank you so much po. Sana patuloy parin niyo akong suportahan sa iba pang mga likhang sinusulat ko. God bless po sa ating lahat 🙏❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...