Chandee's Pov
Nagising ako nasa kwarto ako ni Kapitan. Nakita ko naman si Glenda na kasalukuyan hinahanda ang almusal ko. Panaginip lang ba yung kagabi? Ang natatandaan ko kasi kasama ko si Kapitan kagabi sa kwarto ko at nakatulog sa sofa.
"Magandang umaga binibini bumangon ka na ng makakain kana" Sabi ni Glenda na malapad ang pagkakangiti
"Magandang umaga din" Sabi ko at nag unat. Lumapit si Glenda sa'kin na parang timang kung makangiti. "anong problema mo?" Natatawang tanong ko sa kanya
"Wala binibini masaya lang ako" sagot nito. Napataas tuloy ako ng isang kilay. Ang weird kasi niya.
"Inaayos na ba ang pintuan sa silid ko?" Tanong ko kay Glenda ng may marinig akong nagpupukpok
"Opo binibini bago umalis si kapitan ay nagpatawag siya ng karpintero" sagot nito
"Ahh.. umalis na pala siya" sambit ko
"Opo pero bago siya umalis pinagluto ka niya ng almusal mo. Ang bilin pa niya ay ipaubos ko sayo yung inihanda niyang almusal sa'yo" Sabi nito na parang nanunukso
"Ang mabuti pa magsisipilyo at maghihilamos muna ako" umiiling na sabi ko habang tinatago ang mununting ngiti sa mga labi ko
Pagkatapos kong gawin morning routine ko ay kinain ko na ang nakahandang almusal ko. Kanin, scrambled eggs at daing ang nasa hapag ko. May hinog na mangga din itong kasama at isang sulat.
Napatingin ako kay Glenda na hindi maitago ang pagngiti ng makita ko yung sulat."Ano ba ang nakasulat binibini?" Usisa ni Glenda. Oo nga pala hindi siya marunong magbasa. Dahil sa ayoko naman masira ang tuwa niya ay malakas kong binasa ito.
"Magandang umaga mahal ko, paumanhin kung hindi na ako nakapag paalam sa'yo kanina ang himbing kasi ng tulog mo. Kinailangan ko kasing umalis ng umaga para mag patrolya sa bayan. Ipinagluto pala kita ng almusal at inaasahan ko na uubusin mo ito. Huwag mong pabayaan ang sarili mo at kumain ka ng marami" basa ko ng malakas sa nilalaman ng sulat at tahimik na binasa ang nakalagay na Ewen sa ibabang bahagi ng sulat.
"Parang mas kinikilig pa yata ako kaysa sa'yo binibini" masiglang sabi ni Glenda na ikinangiti ko "mag kwento ka naman sa nangyari kagabi nagkausap na ba kayo ni kapitan?" Pag uusisa pa nito
Napaisip naman ako kung nag usap nga ba kami. Parang hindi naman.
"Hindi na mahalaga kung nagkausap kami hayaan nalang natin ang tadhana ang magpasya sa kung anong mangyayari" sagot ko at sinimulan ng kainin ang mga pagkain na nasa harapan ko
"Ngunit!" Reklamo nito pero hindi na niya itinuloy dahil pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ngumuso nalang siya at tahimik na pinanood ako sa pagkain
Kung totoong nangyari at hindi lang panaginip ang nangyari kagabi ibig sabihin ay malinaw na ang relasyon naming dalawa. Wala akong naaalalang binanggit ko na mahal ko rin siya pero sapat naman yung ikinilos ko para sabihin kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa binasa kong liham niya parang pinatotoo na nito ang pagdududa ko na totoo nga ang lahat.
*****
"Ang daming mga balita na dinudukot ngayon, hindi ka ba natatakot binibini?" Tanong ni Glenda na minamasdan ako habang sinusuklay ang aking mahabang buhok.
"Natatakot" sagot ko
"Eh bakit pupunta ka pa sa pagamutan? Paano kung paglabas mo may naka abang na pala na kukuha sa'yo?" Pananakot nito
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasíaAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...