Chapter 24

375 24 0
                                    

Chandee's Pov

Tatawagin ko sana si Glenda ng makita ko siya sa may hardin kanina ngunit napaurong ako ng makitang kausap nito si kapitan. Napansin ko na mukhang seryoso ang pinag uusapan nila kaya umiwas nalang ako at bumalik sa kwarto.

Alam ko sa sarili ko na may gusto ako kay kapitan at alam ko rin na magkasintahan sila ni Glenda. Tanggap ko naman na hindi kami para sa isa't isa hindi ko lang talaga maiwasan di masaktan. Darating din siguro ang araw na hindi na masakit kahit makita ko silang magkasama.

"Binibini tikman mo ito" masiglang sabi ni Glenda sabay abot sakin ng isang plato ng nilagang mais at mga kamote.

"Ang tagal ko ng hindi nakakain nito, salamat" Sabi ko at kumuha ng mais

"Bagong pitas yan kaya manamis namis. Si kapitan pa nga mismo ang nagluto ng mga yan kanina bago siya umalis" nakangiting sabi pa nito

Nasamid naman ako ng sabihin nitong si kapitan ang nagluto. Dali dali naman niya akong binigyan ng inuming tubig.

"Bakit hindi nalang niya inutos ipaluto sa kusina? Baka naman para sa'yo lang to nakakahiya kumuha ako" Sabi ko

Mabilis itong umiling na may halong kumpas pa sa mga kamay.

"Binigyan niya din ako kanina para sa'yo talaga mga yan binibini" Sabi nito

Tipid na ngumiti ako

"Salamat" Sabi ko

"Ang sipag sipag talaga ni kapitan no? Hindi nga rin niya alam kung kailan siya uuwi basta ang sabi niya magsabi daw agad ako kapag may nangyari dito"

"Bakit saan ba siya pumunta?"

"Kailangan kasi siya sa hangganan. Ang kwento sa'kin kailangan ng mga sundalong nandoon si kapitan para mamuno sa kanila. Nanganak kasi ang asawa ng namumuno sa mga naiwan na sundalo at kailangan niyang umuwi. May mga ibang mataas na opisyal parin naman ang mga nandoon ngunit iba parin daw kung nandoon si kapitan"

Tumango tango ako sa nalaman. Iba kasi talaga kapag ang namumuno ay ang may mataas na posisyon.

"Mas maganda parin kung dito nalamang siya kahit papaano'y nandito ka maaalagaan mo siya" Sabi ko

"Kung malapit lang ang hangganan pupunta ako doon at ipagluluto sila kahit hindi naman ako masarap magluto. Sabi kasi sa'kin kahit anong luto nalang ginagawa nila ang importante malamnan ang sikmura nila. Nagdala nga kanina ng isang sakong mais at mga kamote si kapitan. Sigurado matutuwa mga sundalo sa dala niya" sabi nito

"Bakit hindi nalang sila kumuha ng kusinera ng may nagluluto ng pagkain nila? Para naman kahit papaano may sustansiya ang kinakain nila"

"Meron naman dati kaso hindi sila nagtatagal. Madalas na nagiging dahilan nila ay nangungulila sila sa mga pamilya nila. Masyado kasing malayo ang hangganan sa bayan para mag uwian sila araw araw. Nagiging problema din nila ang pagkuha ng mga lulutuin nila, kailangan pa kasing mangaso ng mga sundalo at kung ano ang nahuli ng mga sundalo yun yung kakainin nila" paliwanag nito

May mga ideuang pumapasok sa isipan ko tulad ng magdala nalang ng mga stocks sa hangganan para di na nila kailangan maghanap pa ng makakain nila. Imbes kasi nagpapahinga na sila sa nakakapagod na trabaho nila iisipin pa nila ang kakainin nila. Baka pwede din kumuha sila ng mga tagaluto na payag na lingguhan kung umuwi katulad ng mga nagtatrabaho dito sa bahay ng pinuno. Hayaan ko nalang sila mas gusto kong manahinik nalang. Malamang nagawa o sinubukan narin nila ang nasa isip ko hindi nga lang maganda ang kinalabasan.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon