Chapter 39

308 23 0
                                    

Chandee's Pov

Tahimik na nakaupo ako katabi si Kapitan at hawak ng mahigpit ang isa niyang kamay sa ilalim ng mesa. Nasa harapan kami ngayon ni Pinunong Oscar na kanyang Ama at ng kanyang kapatid na si Binibining Anna.

Ang sabi ko kay Kapitan ay mamayang pagkatapos nalang namin kumain ng pananghalian ang nais nitong sabihin ngunit si Pinunong Oscar na ang unang nagsalita.

Tumingin silang lahat sakin at tila hinihintay ang sagot ko. Pilit akong ngumiti at pinsil ang palad ni Kapitan na hawak ko para makahingi ng tulong.

"Ahh mas maganda sa madaling panahon" sagot ni Kapitan sa kanyang Ama. Pinandilatan ko naman siya ng mata dahil sa sinabi niya

Tumawa naman ang pinuno at pumalakpak pa. Ngiting ngiti naman si Anna na halatang natutuwa.

"Tama! Hindi na natin kailangan patagalin pa, pareho tayo ng nasa isip hahaha" Sabi ng Pinuno "ipapatawag ko si Dolores mamaya upang maasikaso na ang pag iisang dibdib niyong dalawa sa darating na linggo" Sabi pa nito na literal na ikinanganga ko

"Ngayong linggo po?" Paglilinaw ko kay Pinuno

"Oo ngayong linggo, gusto mo bang mas mapaaga?" Tanong nito na mabilis naman na ikinailing ko

Mahigpit na humawak nalang ako sa kamay ni Kapitan. Hindi ko inaasahan na ganito pala kabilis mag desisyon ang mga tao dito. Kung nasa Maynila siguro kami baka umabot pa ng taon ang pag aasikaso sa kasal namin. Pero kakayanin ba maayos lahat sa loob ng apat na araw lang? Ayoko naman magmukhang minadali ang kasal ko.

Pagkatapos naming kumain ay tumuloy na kami ni Kapitan sa silid ko. Tahimik lang ako at nag iisip kung anong klaseng kasal ba ang magaganap samin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kapitan na iniangat pa ang mukha ko para makita ito

"Nag aalala lang kasi ako" Sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya at naglakad palayo ng kaunti sa kanya

"Sabihin mo kung ano gumugulo sa isip mo" Sabi nito. Lakas loob naman na sinalubong ko ang tingin niya.

"Hindi ka ba nabibigla lang? Ibig kong sabihin hindi ba masyadong mabilis ang pagpapakasal natin?" Tanong ko sa kanya

"Huwag mong sabihin umaatras ka na" nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya

Umiling ako.

"Hindi sa ganoon, masyado lang akong nabibilisan sa mga nangyayari. Gusto kong magpakasal sayo nagulat lang ako dahil hindi ko inaasahan na sa linggo na iyon. Wala akong ideya kung paano ba ang kasalanan na ginaganap dito, marami pa akong hindi alam" Sabi ko sa saloobin ko

"Wala ka naman dapat ipag alala. Kilala si Aling Doleres sa pag aasikaso ng mga kasal, siya ang nag aayos ng mga kasalan dito sa Dalya" sagot nito

"Kakayanin ba niya gayong apat na araw nalang ay gaganapin na ang kasal?" Tanong ko

Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Kayang kaya, kung gugustuhin mo nga kahit bukas ay maari na tayong magpakasal. Yun nga lang ay hindi iyon ganoon ka organisa hindi tulad ng may ilang araw na palugit" sagot nito

Gumanti nalang ako ng yakap at huminga ng malalim. Naniniwala naman ako sa sinabi niya hindi ko nga lang maiwasan ang hindi mag alala.

Nagtagal pa ng mahigit Isang oras si Kapitan sa silid ko bago ito nagpaalam na pupunta ng kampo. Kalahating oras pagkaalis ni Kapitan ay pinatawag ako ng Pinuno. Nasa tanggapan na daw ng mga bisita si Aling Dolores.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon