Chandee's Pov
Tinakpan ng lalaki ang asawa nito ng kumot at muling umiyak. Nilapitan ko naman ang dalawang bata at niyakap ang mga ito.
"May maitutulong po ba ako sa inyo?" Tanong ko sa lalaki
Umiling ito.
"Inaasahan naman namin na mangyayari ito ngunit hindi ganito kabilis. Nagawa ko na ang paglalagyan sa kanya ang pambayad na lamang sa suporturero at sementeryo ang iisipin ko nito" Sabi nito
"Magbibigay po ako ng abuloy para kahit papaano'y makatulong sa inyo" Sabi ko
"Maraming salamat" pigil ang pag iyak ng lalaki
"Aalis na po muna ako" paalam ko
Paglabas ko sa bahay ay nagsilayuan ang mga tao sa'kin.
"Huwag po kayong mag alala hindi po ako nahawa at hindi kayo mahahawaan" Sabi ko dahil parang diring diri ang mga ito sa'kin
"Paanong hindi kami mag aalala galing ka sa loob ng bahay ni Tess at Roberto!" Sabi ng isang ginang
"Tama po kayo galing nga ako doon pero isipin niyo bakit hindi nahawa ang pamilya ng namatay sa kanya? Totoo po na nakakahawa ang bulutong ngunit mahahawa lang po kayo kapag natalamsikan kayo ng laway ng may sakit. Maaari ring mahawa dahil sa hangin kaya dapat siguraduhing malakas ang pangangatawan ninyo" Sabi ko
"Bulutong? Yun ba ang pangalan ng sakit na yon?" Usapan ng mga tao
"Sino ka ba? Doktor ka ba?" Tanong nila
"Ang pangalan ko po ay Chandee hindi po ako isang doktor, ngunit napag aralan na po namin ang ganitong sakit" sagot ko
"Napakabata mo pa para lokohin kami! Kahit ang mga doktor ay hindi pa alam ang sakit na ito ngunit ikaw ay napag aralan mo na? Sinungalung!" Sigaw ng isang lalaki
"Umalis kana dito!" Sigaw pa ng iba
Para matapos na ang usapan ay naglakad nalang ako palayo sa kanila. Nagulat naman ako ng hawakan ako ni Karlo.
"May alam ka bang gamot para sa kapatid ko? Ilang araw na siyang may sakit at katulad ng sintomas ni Aling Tess ang sa kapatid ko" Sabi nito
"Dalhin mo muna ako sa kanya para matignan ko" Sabi ko. Pinasunod naman niya ako sa bahay nila at nakita ko ang kapatid nito sa isang silid habang inaalagaan ng kanyang Ina.
"Sino ang kasama mo?" Tanong ng Ina ni Karlo sa kanya habang palipat lipat ang tingin sa amin
"Ina pinag aralan na daw niya ang sakit ni Klara maaari po siyang makatulong sa'tin para bumuti ang lagay ng kapatid ko" sagot ni Karlo
"Hindi ko po alam kung may magagawa ako pero kung mararapatin niyo gusto ko po sanang tignan ang anak niyo" Sabi ko
"Sige po" Sabi ng babae at tumayo
Lumapit ako sa bata na nakabalot ng kumot at tinanggal iyon. Puno ng butlig ang buong katawan nito at ang taas ng temperatura niya. Pinulsuhan ko rin siya at napansing normal naman ang tibok ng puso niya.
"Ano po ang gamot na pinapainom niyo sa kanya?" Tanong ko
"May nabili akong gamot na inilalaga ko para sa lagnat niya" sagot nito at may pinakitang tuyong mga dahon na hindi ko alam kung ano.
"Pinatingin niyo na po ba siya sa doktor?" Tanong ko pa
"Ilang doktor at pagamutan na ang nilapitan ko ngunit tinatanggihan nilang gamutin ang anak ko dahil wala naman daw lunas ang sakit nito. Ang sabi pa nila ay tanging ang anak ko lang ang makakapag pagaling sa sarili niya" sagot nito
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...