Chapter 20

416 26 0
                                    

Chandee's Pov

Maliwanag na ang paligid ng imulat ko ang mga mata ko. Mag uunat sana ako kaso pagtingin ko sa isang kamay ko hawak iyon ni kapitan na ngayon ay nakaubob sa gilid ng higaan ko at natutulog. Nagulat ako ng una at babawiin sana ang kamay ko pero hindi ko na itinuloy ng makita ko ang mukha niya na mahimbing na natutulog.

"Magandang umaga binibini" bati sa'kin ni Glenda na bigla nalang sumulpot kung saan

"Magandang umaga kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya

"Opo binibini pagka gising ko ay pumunta na po agad ako dito ngunit natutulog pa po kayo" sagot niya

"Uhm, alam mo paano ako napunta dito? Alam ko kasi nakaupo ako sa damuhan kaninang madaling araw" tanong ko. Hindi ko kasi natatandaan paano ako nakabalik dito sa hinihigaan ko.

"Ang sabi po ni Aling Aurora kanina nakatulog ka daw sa damuhan kaya binuhat ka ni kapitan at inilipat dito" sagot niya

Napatingin naman ako kay Kapitan na mahimbing na natutulog. Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko kaso baka magising siya. Hayaan ko nalang muna makatulog siya tutal nandito narin naman si Doktor Gilberto at may dalawang katulong pa siya na kasama.

"Ang gwapo ni Kapitan no binibini? Ang sabi ko sa kanya kanina ako na magbabantay sa'yo at umuwi na siya para matulog sa bahay pero sabi niya mamaya nalang daw. Nakikita ko kasi kanina antok na antok na siya, nahuhuli ko ngang nahuhulog ang ulo niya naaawa ako mabuti nalang nakatulog na siya"

"Huwag mo nalang gisingin kawawa naman, Hindi naman niya trabaho ang tumulong dito pero tumulong parin siya kahit alam niyang pwede siyang mahawa"  Sabi ko habang nakatingin kay Kapitan

"Sige po binibini kukunin ko na muna ang almusal niyo at ihahanda ang paghilamos niyo"

"Salamat" nakangiting sabi ko kay Glenda. Umalis naman ito agad para kunin ang almusal ko

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero bumalik naman ang sigla ko ang kaso nangangawit na ang kamay ko bakit kasi kailangan pang mahawakan ni kapitan ang kamay ko. Para maibsan ang pangangawit ng isang kamay ko ay tumagilid nalang ako paharap sa kanya. Minasdan ko ang natutulog na si kapitan at napahawak sa mga labi ko ng mapatingin sa mga labi niya. Alam ko galit siya sa akin pero hindi parin tama ang ginawa niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maalala ang nangyari kagabi.

*****

"Binibini nandito na po ang pagkain niyo" Sabi ni Glenda at tumingin sa paligid. Wala kasi siyang pagpapatungan sa pagkaing dala niya. "Gusto niyo po bang doon nalang sa may mesa kumain?" Tanong pa niya

"Dito nalang ayokong maabala si Doktor Gilberto"  sabi ko at pilit gumalaw para makaupo. Buti nalang nakaupo ako na hindi tinatanggal pagkakahawak ni kapitan sa kamay ko.

Inilapag ni Glenda yung pagkain sa higaan ko at tinupi ang ginamit kong kumot. "Hindi po ba kayo nahihirapan binibini? Pwede naman po natin gisingin si kapitan para makakain kayo ng maayos" Sabi pa nito

"Ayos lang huwag na natin siyang gisingin ang himbing ng tulog niya e, mukhang bumabawi siya sa ilang araw na pagkapuyat niya" sagot ko

"Pero binibini palagay ko mapapagalitan ako kapag hindi natin siya ginising. Kabilin bilinan niya na huwag kayong hayaang mahirapan sa kahit anong bagay" Sabi ni Glenda habang nakatingin sa mga paa niya

"Hindi naman ako nahihirapan" Sabi ko naman at nagsimulang kumain. Hindi naman ako nahirapan dahil sopas ang almusal ko yun nga lang naiilang ako sa kamay kong hawak ni kapitan dahil ramdam ko na pinagpapawisan ito.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon