Chandee's PovPagkatapos kong maligo ay kinuha ko yung bag ko at tinignan ang laman nito. Walong piraso nalang ang bioflu na meron ako at isang banig na biogesic na magagamit namin para sa lagnat.
Huminga ako ng malalim at binalik ang mga iyon sa lagayan nila at muling ipinasok sa bag ko. Napatingin naman ako sa may eco bag at naisip ang mga batang walang ganang kumain. Mula sa eco bag ay inilabas ko ang natitirang tobleron na nadala ko. Bahala na kung papaano ko ito maibabahagi sa lahat.
Pagbukas ko ng pintuan ko ay nabangga naman ako sa matigas na bagay. Pagtingin ko ay si Kapitan lang pala.
"Nasaktan ka ba?" Bakas sa boses nito ang pag aalala.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Tanong ko habang hinihimas ang ulo
"Kakatok sana ako kaso biglang bumukas" sagot naman niya
"Ano bang kailangan mo?" Lumabas ako ng silid ko at sinarado ang pintuan. Hindi naman siya sumagot kaya tinignan ko siya "uy! Ano na? Ano kako kailangan mo?" Tanong ko ulit sa kanya
"Wala ka kasi sa bakanteng lote at nalaman ko na nandito ka na, kukumustahin lang sana kita binibini" sagot nito
"Ahh.. naligo lang ako babalik narin doon" sagot ko
"May mga Doktor naman na nandoon magpahinga ka nalang dito" Sabi nito
"Walang dudang mag ama nga kayo ng Pinuno pareho kayo ng sinasabi. Paano ako makakapag pahinga kung may nakikita akong nangangailangan ng tulong na kaya ko naman? Ikaw kaya sa lugar ko paano kung sabihin ko sayo magpahinga ka na lang sa kwarto mo kahit may nakikita kang kaguluhan?" Mahabang lintanya ko
"Ang akin lang magpahinga ka at huwag abusuhin ang sarili mo, kanina ka pang umagang tumutulong sa kanila paano kung ikaw naman ang magkasakit?" Huminto ako sa paglalakad at humarap na naka pamaywang sa kanya.
"Bakit ikaw kanina ka pa sa kung saan at diba kakauwi mo nga lang din? Imbes na sermonan mo'ko bakit hindi ka nalang magpahinga sa kwarto mo?"
"Malakas ang pangangatawan ko kaya kong -"
"So ibig mong sabihin mahina ako? Fyi lang kahit maliit lang ako at walang bato bato sa katawan na katulad ng sayo mas malakas ang resistensiya ko kumpara sa'yo!" Putol ko sa sasabihin pa niya at inirapan siya
Akala mo naman kasi kung sinong malakas tss. Nilakihan ko ang hakbang ko para mas makalayo sa kanya. Ang kulit kasi sumusunod sunod pa.
Pagdating namin sa bakanteng lote na tinayuan ng mga tolda ay agad akong lumapit kung saan naroon ang mga doktor.
"Kumusta po dito?" Tanong ko sa dalawang doktor
"Mas mabuti na binibini kaysa kaninang nasa labas sila ng tarangkahan ng Pinuno. Makikita mong mas komportable na ang mga pasyente ngayon" sagot ni Doktor Almundo
"Ang problema natin ngayon ay mga halamang gamot, tantya ko ay pang dalawang araw lamang ang gamot na nandirito" Sabi naman ni Doktor Gilberto
"Sana lang ay huwag ng madagdagan pa ang mga pasyente" sambit naman ni Doktor Almundo
"Sana nga ngunit sa nakikita ko mukhang madadagdagan pa sila bukas. Ang hirap pa naman ng bunga ng sambucus ngayon na pangunahing sangkap na gamot sa sakit nila"
"Napaka mahal pa naman ng pinatuyong bunga ng sumbucus"
"Ano po ba ang ginagamot ng sambucus?" Tanong ko sa dalawang doktor
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...