Chapter 25

386 26 0
                                    


Chandee's Pov

Ala una palang ng madaling araw ay nasa kusina na ako para maghanda ng iluluto kong lumpiang shanghai na dadalhin ng pinuno sa bayan ng Liwayway. Hindi ko suka't akalain na marami palang tutulong sa'kin kaya naman napabilis ang gawain namin. Dinagdagan ko narin ang niluto naming shanghai at nagluto narin ako ng lumpiang togue dahil kumpleto narin kami ng sangkap. Nawala na rin kasi ang antok ko at para narin may makain kaming almusal.

Tulad ng inaasahan ko nagustuhan nila ang lumpiang togue, andami ko ba naman nilagay na hipon paanong hindi magiging masarap. Pinatikman ko rin ang pinuno ng lumpiang togue at nagustuhan rin niya ito. Imbes na isang bilaong lumpiang shanghai lang ang dadalhin niya ay nadagdagan pa ito ng isang bilao pa na lumpiang togue. Buti nalang talaga dinagdagan namin ang niluto namin. Sulit ang puyat at pagod ko sa nakitang reaksyon nila sa mga lumpiang niluto ko. Sa susunod lumpiang ubod o lumpiang sariwa naman ang ipapatikim ko sa kanila.

Bitbit ang isang basket na may laman na mga lumpia ay nagtungo ako sa pagamutan sa may bakanteng lote. Gusto kong ipatikim kay Doktor Gilberto at kina Ate Salve at Ate Lenlen ang mga dala ko para may meryenda sila.

Sa bukana palang nakita ko na ang mga tao. Mukhang marami silang pasyente ngayon.

"Magandang umaga binibini mabuti't napasyal ka?" Bati sa'kin ni Ate Salve anak siya ni Doktor Gilberto at nagtatrabaho bilang nars nito

"Dinalhan ko lang kayo ng meryenda sana magustuhan niyo, niluto namin yan kanina" Sabi ko at tinignan ang mga tao sa paligid "ang daming tao ngayon, pasyente ba lahat sila?" Tanong ko

"Oo nga e kahapon pa maraming pumupunta at humihingi ng gamot, nagtataka nga si Ama kung bakit sabay sabay ang pagtatae nila samantalang hindi naman nakakahawa ang sakit na iyon" sagot nito

"Hindi kaya na food poisoning sila?" Tanong ko kay Ate Salve

"Anong food poisoning binibini?" Naguguluhang tanong naman nito

"Baka may nakain sila na panis na o hindi na dapat kainin. Hindi niyo ba sila tinanong kung ano ang huling kinain nila bago sumakit ang mga tiyan nila?" Tanong ko

"Tinanong namin sila ngunit hindi naman sila parepareho ng kinain. Sa katunayan nga kanin at kamote lang ang kinain ng pamilyang iyon" turo nito sa apat na tao na magkakasama. "lagi naman daw iyon ang kinakain nila pero ngayon sobrang sakit ng tiyan nila at nagtatae sila" sagot nito

Napatingin ako kay Doktor Gilberto na palapit sa akin ngayon.

"Magandang umaga binibini" bati nito sa akin

"Magandang umaga din po Doktor, ano po ba ang nangyari sa kanila at mukhang parepareho ang mga sakit nila?" Walang ligoy na tanong ko

Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago niya sinagot ang tanong ko.

"Ang totoo'y misteryo din sa'kin ang nangyari sa kanila. Ang suspetya ko noong una ay baka may nabilhan sila ng pagkain sa pamilihan na kontaminado't hindi na dapat kainin. Ngunit sa pagtatanong ko sa kanila wala naman silang binili at hindi rin sila kumain sa labas. Ang mga niluto daw nila ay kanilang laging niluluto at kinuha sa kanilang sariling tanim at imbakan nila ng pagkain" sagot nito

"Kung ganoon po ano kaya ang posibleng dahilan ng sakit nila?" Tanong ko

Tinignan ako ng Doktor tuwid sa aking mga mata.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon