Chapter 36

321 20 0
                                    

Chandee's Pov

Kalat sa buong bayan ang tagumpay ng mga sundalo na mahuli at mailigtas ang mga kabataan at kababaihan sa pandurukot na nangyari sa kanila sa pamumuno ni Kapitan Ewen. Nasa labas nga ang mga tao ngayon at inaabangan ang pag uwi ng mga ito.

Ilang araw na tinutukan at plinano nina Kapitan ang pagtugis sa mga kriminal at ang pagligtas sa mga tao. Nakarating pa nga ang mga ito sa ibang bayan kung saan dinala ang mga dinukot na mga tao para ibenta at gawing alipin. Mabuti na lamang at nakipag tulungan ang bayan na pinuntahan nila at natunton ng mga ito ang kinaroroonan nila.

Nakangiting naghihintay ako sa labas ng tarangkahan upang salubungin ang pagdaan nila Kapitan. Ang alam ko didiretyo sila sa kampo kung saan naroon at naghihintay na ang mga magulang ng mga nailigtas nila.

Habang papalapit ang mga tunog ng tambol at mga kabayo ay lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Ilang araw ko din hindi nakita si Kapitan at sa wakas makikita ko narin siya.

"Binibini doon tayo!" Hila sakin ni Glenda sa mas malapit na daanan.

"Huwag kayong masyadong lumapit baka masaktan kayo" Sabi naman ni Pinunong Oscar habang naka akbay kay Binibining Anna

"Huwag po kayong mag alala gusto lang namin makita ng malapitan ang parada" natutuwang sabi ko habang matyagang hinihintay ang pagdaan nila Kapitan.

Ilang sandali lang ay nakita na namin ang bungad ng parada. Sakay sa apat na kabayo ang mga sundalo na may hawak na bandila ng bayan ng Dalya.

Unti unting lumalaki ang kanina maliliit lang na tao at mga kabayo habang papalapit ang mga ito. Agad ko naman nakita ang pigura ni Kapitan habang sakay sa kanyang kabayo. Halos maluha ako ng makita ko siya. Sa likod nito ay may mga karwahe kung saan nakasakay ang mga nailigtas nila at sa likod naman ng mga karwahe ay maraming sundalo na nakasunod sa kanila.

Halos maluha ako ngunit napigilan ko naman. Nakakatuwa pero para akong isang Ina na sobrang proud sa anak na nakakamit ng karangalan. Matyagang naghintay ako sa pagdaan ni Kapitan hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Kapwa nakangiti kaming dalawa sa isa't isa habang papalapit ito.

Huminto si Kapitan sa tapat ko at inialok ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero hinawakan ko iyon. Parang walang kung ano naman ay umangat ako sa lupa at ngayon ay nakasakay na sa kabayo niya. Naghiyawan naman ang mga taong naroon at tinukso kami. Ramdam ko naman ang pag init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Sa susunod na paradang makikita nila ay ang pag iisang dibdib nating dalawa" bulong nito sa tenga ko kaya naman napatingin ako sa kanya. "nangulila ako sayo ng sobra" malambing na sabi pa nito bago niya hinigpitan ang paghawak sa baywang ko at idinikit sa katawan niya.

Wala akong magawa kundi ngitian at titigan lang siya samantalang kani kanina lang ay ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Bago nito muling pinalakad ang kanyang kabayo ay nakita ko pang tinanguan nito ang kanyang ama. Akala ko ay ibababa na niya ako ngunit sinama ako nito.

Sa unang pagkakataon nakapasok ako sa kampo. Dati ay nadadaanan ko lang kasi ito. Napakalawak pala dito sa loob. Tinulungan ako ni Kapitan bumaba sa kabayo at magkasama naming hinarap ang mga tao. Hindi niya binitiwan ang kamay ko kahit marami ang gustong kumausap sa kanya.

Kinausap ni Kapitan ang mga magulang na sinusundo ang mga anak nila. Gusto din kasi nito na maayos ang lahat bago nila makuha ang mga bata. Sinigurado niya na kapamilya nga ng mga ito ang mga sumusundo at ng makitang maayos na ang lahat ay hinila niya ako patungo sa isang silid.

Agad nitong sinarado ang silid pagkapasok naming dalawa at nagulat ako sa ginawa niya ng isandal niya ako sa likod ng pintuan at mariin na hinalikan sa labi. Doon ko lang narealize na sobrang na miss ko pala siya kaya tumugon ako sa halik niya.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon