Ewen's Pov
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin ngunit hindi ako sang ayon na dagdagan pa ang buwis ng mga mahihirap" Sabi ko sa lahat ng mga opisyal habang nagpupulong kami sa bulwagan
"Ngunit Pinuno wala tayong pagkukuhanan ng panrustos para mapatayo ang makinaryang pahayagan. Malaking tulong sa mga mahihirap nating kababayan ang pagkakaroon ng makinarya" sagot ni Ministro Abe
"Malaking tulong sa mahihirap o sa mga mayayaman na katulad niyo?!" Tanong ko na hindi naiwasang magtaas ng boses. "Aminin na ninyo na mas malaki ang magiging pakinabang niyo kaysa sa mga mahihirap!" Sabi ko pa at tinignan silang lahat. "Karamihan sa mga mahihirap ay hindi marunong magbasa kaya paano niyo nasabi na malaking tulong ito sa kanila?" Tanong ko "batid ko rin na malaking panustos sa kuryente ang kailangan para gumana ito. Bakit hindi nalang kayo mag isip ng paraan para matugunan at maabutan lahat ng kuryente ang ating mga mamamayan?!" Sabi ko sa mga ito
"Kung hindi natin maipapatayo ang makinarya pang pahayagan ay maiiwanan tayo ng ibang bayan" Sabi naman ni Ministro Romulo
"Mas mahalaga pa ba ang makinarya na iyan kaysa sa ating mga kababayan? Ano ngayon kung mapag iwanan tayo ng ibang bayan ang mahalaga hindi kumakalam ang sikmura ng mga tao sa Dalya!" Sagot ko na nag iigting ang mga panga.
"Huwag kang magalit Pinuno ibig lang namin mapabuti at mapaunlad ang bayan natin" sabi naman ng isa pang opisyal
Napahilot nalang ako sa aking sentido.
"Ayoko ring magalit ngunit ang mga sinasabi ninyo sa'kin ngayon ay kagalit galit. Alam ko at nauunawaan ko na nagmamalasakit kayo para sa ikauunlad ng bayan natin, ngunit hindi tama isakripisyo ninyo ang mga kababayan natin para lang dito. Mahihirap na sila at lalo pang maghihirap kung sa kanila niyo pa kukunin ang buwis na ipantutustos niyo para sa makinarya" Sabi ko
"Naiintindihan namin ang ibig mong sabihin Pinuno siguro ay kanselahin nalang muna natin ang pagpapatayo sa makinarya at pag usapan nalang ulit ito sa susunod na araw" Sabi naman ni Ministro Abe
"Bakit kailangan kanselahin at pag usapan pa sa ibang araw kung maari naman nating ituloy ito ngayon at mapag usapan narin ngayong araw?" Nakakunot ang mga noong tanong ko kay Ministro Abe
"Paumanhin Pinuno iniisip ko lang ang kalagayan mo at baka ika'y pagod na" sagot naman nito
"Nang tanggapin ko ang posisyong maging Pinuno ay alam ko na na wala na akong karapatan para mapagod. May magandang suhestiyon ako sa makinaryang isinusulong niyo na hindi matatamaan ang mga mahihirap nating kababayan sa buwis" Sabi ko
"Kung may ibang paraan para hindi dagdagan ang kanilang buwis ay magandang balita nga iyan" Sabi ni Ministro Abe
"Tutal sinabi niyo kanina na nagmamalasakit kayo sa ating mahal na bayan at gusto niyo itong umanlad bakit hindi nalang kayong mayayaman ang dagdagan ng buwis? Magandang ideya hindi ba? Nakatulong na kayo sa bayan nakatulong pa kayo sa mahihirap nating kababayan" nakangising sabi ko
Nagbulungan naman ang lahat at sa hilatsa ng mga mukha nila ay hindi sila pabor sa aking sinabi.
"Hindi tama na kami ang umako sa buwis dahil kami rin ang nagbibigay trabaho sa mga mahihirap nating kababayan" Sabi naman ni Ministro Narciso na sinang ayunan naman ng iba pang mga Ministro
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...