Chapter 16

411 20 0
                                    

Chandee's Pov

Nalaman ng Pinuno ang nangyari kahapon sa Sittio Bangkal kaya kinausap niya ako tungkol dito. Natutuwa daw ito dahil napangalanan na ang sakit at may mga doktor na lumapit na sa kanya at nakipag usap na kung maaari daw bang kausapin ako.

Masaya naman ako dahil interesado naman pala silang malaman kung ano ang lunas sa Bulutong Tubig. Ang problema nga lang wala din naman akong lubusang kaalaman tungkol sa gamot para doon. Oo alam ko kung ano ang dapat inumin na gamot pero yung sangkap ng gamot mismo para magawa ay hindi ko alam.

"Pinuno! Marami pong tao sa labas dala ang kanilang mga kaanak at hinahanap si Binibining Chandee" nagkukumahog na sabi ng sundalo

Sabay kaming napatayo ni Pinuno at nagkatinginan.

"Lalabas po ako at titignan sila" Sabi ko

"Huwag dito ka lang" pigil ng Pinuno sa'kin "ako na muna ang kakausap sa kanila" sabi nito

"Ngunit" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng umiling ito sa akin

"Si Ewen?" Tanong ng Pinuno sa sundalo

"Pumunta po siya kay Matias para tignan kung ano na ang balita sa mga pulbura" sagot ng sundalo

Huminga muna ng malalim si Pinunong Oscar bago niya inaya ang sundalo na harapin ang mga tao.

Dahil may katigasan ang ulo ko ilang minuto lang pagkaalis ng Pinuno ay sumunod din ako. Hindi rin kasi ako mapakali dahil sa sinabi ng sundalo na ako ang hinahanap. Habang papalapit ako sa tarangkahan ay naririnig ko ang mga boses ng mga tao na nandoon pati na ang kay Pinuno. Kung dati ay dalawang sundalo lang ang naroon at nagbabantay ngayon ay nasa sampu.

"Pinuno" tawag ko ng makalapit ako.

"Hindi ba't ang sabi ko ay sa loob ka lamang?" Parang disappointed na sabi nito sa'kin

"Pasensiya na po hindi kasi ako mapakali at gusto ko ring malaman kung ano ang sadya nila" guilty na sagot ko. Gusto ko lang talagang malaman kung may nagawa ba akong mali kaya napalusob sila.

"Ikaw ba ang babaeng itinakda? Kung ganoon tulungan mo ang anak ko pagalingin mo siya!" Sigaw ng isang lalaki

Napatingin naman ako sa kanya habang karga nito ang kanyang anak. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang napakarami nga ng mga taong nagkukumpulan.

"Binibini maawa ka sa'min tulungan mo kami"

Para akong matutumba sa dami ng mga taong nagsisigawan ngayon at humihingi ng tulong. Ano ba ang gagawin ko? Wala akong kakayahan magpagaling isa lamang akong ordinaryong estudyante na nag aaral pa lamang upang maging nurse.

"Pinuno ano po ang gagawin natin?" Nag aalalang tanong ko

"Hindi ko inaasahan na ganito sila karami mas mabuti pang doon ka na muna sa iyong silid" sagot nito

"Ngunit Pinuno kailangan na nila ng tulong, hindi po ba pwedeng magtawag kayo ng mga doktor na pwedeng tumingin sa mga may sakit?"

"Ginawa ko na at baka sa mga oras na ito ay papunta na sila dito" sagot nito. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko

"May pagamutan po kayang tatanggap sa dami nila? Kung meron sanang bakanteng lote na pwedeng gawing silungan nila pansamantala" sambit ko

Tumingin naman sa'kin ang pinuno at ngumiti.

"Salamat sa ideyang nabanggit mo. Kanina ko pa iniisip kung anong magandang gawin. Sa dami nila siguradong mapupuno ang pagamutan at hindi rin ako sigurado kung tatanggapin sila" sabi nito

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon