Chapter 19

415 19 0
                                    

Ewen's Pov

Ang bilis niyang magsalita hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi niya ang alam ko lang galit na naman siya. Nakatingin lang ako sa kanya at pinapakinggan lahat ng mga sinasabi niya. Ang hirap niyang kausap ayaw tumanggap ng paliwanag.

Ang hirap magpaliwanag sa ayaw maniwala kahit nagsasabi ka naman ng totoo.. Heto na naman tatalikuran na naman niya ako. Ayoko ng magpaliwanag.

Nang tatalikod na siya ay kinabig ko ang katawan niya sa katawan ko. Walang abisong pinagdikit ko ang mga labi naming dalawa. Maging ako man ay nabigla sa ginawa ko ngunit hindi ko pagsisisihan ito. Sana lang sapat na'to para malaman niya na siya ang gusto ko at hindi si Isabelle.

Ilang segundo rin nagtagal ang pagkakadikit ng labi naming dalawa bago ko pinasyang alisin na ito. Hindi ko pa tuluyang nalayo ang mukha ko sa mukha niya ay nahimatay ulit ito.

"Binibini!" Tawag ko sa kanya ng ilang beses ngunit nanatiling wala itong malay

Binuhat ko siya at muling dinala sa hinigaan niya kanina. Hindi ko alam ang iisipin ko bakit ngayon pa siya hinimatay pagkatapos ko siyang halikan.

"Binibini" tawag ko ulit sa pangalan niya

"Anong nangyari Kapitan?" Nag aalalang tanong ng isang ginang

"Nawalan po siya ng malay" sagot ko. Tinapik tapik ko ang pisngi niya at tinaas naman ng ginang ang dalawang paa nito. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero dahil ata doon kaya bumalik na ang malay ng binibini.

"Binibini ayos ka lang po ba?" Tanong ng ginang sa kanya

Tumingin muna sa akin ang binibini bago ito tumango. "Ayos lang po" sagot nito

"Huwag ka munang tatayo mahiga ka lang, kapitan paki bantayan siya kukuha lang ako ng pampunas niya" Sabi ng ginang.

"Sige ho maraming salamat" sagot ko pa sa kanya "binibini" tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tahimik lang habang nakasunod ang tingin sa umalis na ginang. Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita "kung ayaw mo akong makausap ayos lang hindi kita kukulitin basta magpahinga ka lang muna" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Pareho kaming tahimik hanggang sa bumalik ang ginang na may dalang bimpo at palanggana na may tubig.

"Kumusta ang pakiramdam mo binibini? Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ng ginang sa binibini

"Hindi po maayos na po pakiramdam ko" sagot nito na may maliit na ngiti sa labi

"Mabuti naman kung ganoon. Huwag mong pababayaan ang sarili mo paano nalang ang Dalya kung may nangyaring masama sayo" Sabi pa ng ginang habang pinupunasan siya

"Huwag po kayong mag alala ayos lang po ako kulang lang po ako sa tulog"

"Hindi pwedeng hindi kami mag alala sa'yo, bakit ba kasi hindi ka natutulog? Hindi mo naman kami kailangan bantayan buong araw at magdamag. Kung sakaling kailanganin namin ang tulong tatawagan ka naman namin"

"Hayaan niyo po hindi na mauulit matutulog na ako kapag may pagkakataon"

"Ikaw din kapitan matulog ka din hindi dahil bata pa kayo ay aabusuhin niyo ang mga katawan niyo"

"Matutulog po ako pagdating ni Doktor Gilberto bukas, sa ngayon kailangan ko pang bantayan ang binibini at ang halamang gamot na nakasalang ngayon" sagot ko

"Mahimbing pa naman ang tulog ng anak ko kung gusto mong matulog ngayon matulog ka muna ako na ang bahala sa binibini at sa gamot"

Umiling ako.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon