Chandee's Pov
Hindi ko alam ang iisipin ng marinig ko ang sinabi ni Joseph kanina. Nag offer pa siyang ihatid ako pero tumanggi ako. Bigla kasi akong nailang sa sinabi niya.
"Matagal na akong may gusto sa'yo pero tinatago ko lang dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin" yan ang eksaktong sinabi ni Joseph kanina
Sinabi rin niya na ilang araw na niyang pinag iisipan na magtapat sa'kin at ngayong araw nga niya napagpasyahang sabihin. Sinabi rin nito na hindi naman siya nagmamadali na sagutin ko siya at kaya daw niyang maghintay kahit gaano pa katagal. Nag request pa siya na sana walang magbago kahit umamin siya na may gusto siya sa'kin.
"Saan ka galing te na late ka ng uwi?" Tanong ni Yvone
Hindi na ako sumagot at umakyat na sa taas. Pagkababa ko sa mga gamit ko ay humiga na ako sa kama ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman talaga akong ginawa. Pumikit nalang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
*****
Habol ang hininga na nagising ako. Pagtingin ko sa orasan ko ay alas diyes na pala ng gabi. Nakita siguro ni Mama na mahimbing na akong natutulog kaya hindi na ako ginising para mag hapunan.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumayo. Nanlalagkit ang pakiramdam.ko kaya kinuha ko yung naka sabit na tuwalya ko sa likod ng pintuan ko at bumaba. Maliligo muna ako bago ulit ako matulog. Sana lang dalawin pa ako ng antok. Pero mukhang mas maganda nga kung hindi nalang ako makatulog. Kada natutulog kasi ako nananaginip ako. Katulad kanina, nanaginip na naman ako.
Sa panaginip ko kanina nagkulay dugo ang tubig kung saan nakalublob yung lalaking lagi kong nakikita. Lumapit ako sa kanya tinanong ko siya kung ayos lang ba siya pero nakatingin lang siya sa'kin. Naiyak ako sa itsura niya at awang awa sa kanya ngunit wala akong magawa kundi panoorin lang siya.
Hindi ko rin maintindihan ang mga panaginip ko. Minsan naririnig ko silang nagsasalita minsan naman ay hindi. Naririnig ko silang nagsasalita kapag pinapanood ko ang sarili ko na nakikihalubilo sa kanila. Hindi ko naman sila naririnig kapag ako ang lumalapit at kumakausap sa kanila. Minsan sumasagot sila pero wala akong boses na naririnig. Natatakot na ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa'kin. Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doktor.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretyo na ako sa kwarto ko. Nagsuot lang ako ng damit pantulog at binuksan ang laptop ko at naghanap ng mapapanood. Sa dami ng napili kong panoorin na dinadownload ko ngayon sigurado aabutin ako ng isang buwan bago matapos ang mga iyon. Madalas kasi hindi ko natatapos ang mga pinapanood ko at nakakatulugan ko. Ang ending natatambak ang mga movies sa flask drive ko.
Pumili ako ng isang lumang pelikula ni Andrew E at sinimulan panoorin iyon. Sa simula palang nakakatawa na kaso para akong matanda na malabo na ang mga mata dahil sa kalumaan ng pelikula. Sana marestor sa HD ang mga lumang movies dahil mas maganda pa silang panoorin kaysa sa mga bago ngayon.
"Ikaw ang buhay ko ang pangarap ko at kinabukasan ko. pangako ko aalagaan ka at mamahalin ka kahit sa kabilang buhay ko" tumindig ang mga balahibo ko ng parang may biglang bumulong sa tenga ko. Napatayo ako at tinignan ang paligid ko. Sa takot ko ay sinarado ko na ang laptop ko at pumunta sa higaan ko.
******
Alas kwatro ng madaling araw ng muling magising ako at ngayon ay umiiyak. Akala ko panaginip lang, akala ko nakikita ko ang nakaraang buhay ko, akala ko nasisiraan na ako ng bait ngunit lahat ng iyon ay puro akala ko lang.
Pinunasan ko ang mga luhang walang tigil sa pagtulo at tumayo. Natatandaan ko na ang lahat, natatandaan ko kung paano ako nakapunta sa Dalya at kung paano ako nakabalik dito. Hinanap ko agad ang librong binigay sakin ni Mariel at binuklat iyon.
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...