Ewen's Pov
"Makikiraan po" sabi naman ni Glenda na sumulpot sa dami ng mga tao na nakikiusyoso "bakit ang daming tao dito?" Tanong pa niya "binibini heto na ang pinabili mong asukal anong gagawin ko dito?" Tanong pa ni Glenda
"Mabuti pa sigurong umuwi na tayo binibini" Sabi ko
"Nangako akong tutulong sa pagtitinda sa kanila" sagot nito
"Masyadong maraming tao baka mapano ka, bibilhin ko nalang ang lahat ng paninda nila" Sabi ko
"Pero"
"Kailangan na nating umalis"
Bumuntong hininga naman siya at nakasimangot na tumingin sa'kin.
"Oo na tss!" Suko nito habang nakatingin sa akin
"Mario ikuha mo kami ng kabayo at iuuwi ko na ang binibini" utos ko sa isang sundalo
"Masusunod kapitan!" Sagot nito at mabilis na kumilos.
Hinawi naman ng tatlong natitirang sundalo ang mga taong nakapalibot sa amin
"Nanay Fe Tatay Jose pasensiya na po kung hindi ko kayo matutulungan ngayon. Bibilhin nalang daw po lahat ni kapitan ang saging niyo. Babalik nalang po ako sa ibang araw para tuparin ang pangako ko" Sabi ng binibini sa dalawang matanda
"Naku hindi niyo na kailangan bilhin pa isa pa napakarami nito. Kung nalaman lang namin ng mas maaga na ikaw ang babaeng itinakda mas tinrato ka pa sana namin ng mabuti. Masaya kami at nakakain ka ng niluto namin" sagot ni Aling Fe na tinawag niyang nanay. Gusto ko tuloy malaman kung anong kahulugan ng salitang iyon. Marami rin siyang ibang mga salitang binabanggit na hindi ko maintindihan.
"Bibilhin ko po ang lahat para maaga narin po kayong makapag pahinga. Ipapakuha ko nalang po sa mga sundalo para dalhin sa bahay. Sigurado matutuwa ang mga sundalo kapag inilaga namin ito mamaya para may makain sila habang nagbabantay" Sabi ko naman
"Kung ganoon ay maraming salamat po Kapitan. Totoo nga ang sinasabi ni Pablo na mabait kayo at hindi sila pinapabayaan lalo na sa pagkain" Sabi ni Aling Fe
"Hindi naman po ako mabait kailangan lang talaga nating alagaan ang ating mga sundalo dahil sila ang nagtatanggol sa bayan natin" sagot ko
Pagkarating ni Mario ay sumakay na agad kami sa kabayo ng binibini. Inutusan ko rin na ihatid din si Glenda sa bahay pati na ang mga saging.
*****
Chandee's Pov
"Paano mo nga palang nalaman na nandoon kami? Kung hindi ka dumating hindi nila maiisip na ako ang babaeng itinakda. Edi sana nakatulong pa ako sa kanila" reklamo ko kay Kapitan habang sakay ng kabayo
"Mas napabilis pa nga ang tulong mo dahil dumating ako. Isa pa hindi kana nahirapan tulungan sila sa pagtinda dahil binili ko na lahat ang ititinda nila" sagot nito
"E pang isang araw na tulong lang naman ginawa mo eh!" Sabi ko na pilit lumingon sa kanya habang nagpapatakbo ng kabayo.
Nagkasalubong naman ang tingin naming dalawa at napalunok ng mapansin na napakaliit lang ng pagitan ng mukha naming dalawa. Mabilis na ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan.
Balak ko sanang sabihin sa kanya na mas mapapakinabangan ng mag asawa kung naituro ko sa mga ito kung paano lutuin ang banana cue. Isa kasi ang banana cue sa mga paborito ng mga pilipino kaya siguradong bibili nun sa kanila kaya siguradong marami ang bibili sa kanila dahil sila ang unang may tindang banana cue kapag nagkataon.
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...