Chandee's Pov
"Sayang yung pinainit kong tubig panligo mo kanina hindi mo nagamit, pinuno ko pa iyon ng bulaklak at nilagyan ng pabango para guminhawa ang pakiramdam mo at masarap ang tulog mo. Kaso pagbalik ko dito sa kwarto mo ang sarap na ng tulog mo" reklamo ni Glenda habang pinupunasan ang buhok ko. Kakatapos ko lang maligo.
"Pasensiya na nga hindi ko naman alam na makakatulog ako" Sabi ko dito. Ilang ulit narin kasi niyang sinabi sa'kin tungkol sa effort na ginawa niya kanina.
"Nakakainis lang kasi imbes na ikaw yung gumamit noon si Maneng pa ang gumamit" nakasimangot na sabi nito
Si Maneng ay personal na tagapagsilbi ni Anna hindi ko alam na may something sa kanilang dalawa ni Glenda, nalaman ko lang kanina na nag away na dati ang dalawa dahil lang sa damit. Na kwento rin ni Glenda na madamot daw si Maneng at feeling siya si Binibining Anna kung umasta. Marami nga raw naiinis kay Anna dahil sa ugali niya kahit itanong ko pa raw sa iba. Napapangiti nalang ako sa mga sinasabi niya ang cute kasi niya. Kaya siguro nagustuhan siya ni Kapitan.
"Uh.m.. Glenda diba may nobyo ka na? Kumusta naman kayong dalawa?" Nakangiting tanong ko.
Namula ang mga pisngi ni Glenda halatang nahihiya dahil sa tanong ko
"Mabuti naman po kami binibini" sagot nito
"Mag kwento ka naman tungkol sa kanya at paano nagsimula ang pag iibigan ninyo" pilit akong ngumiti na nakatingin sa salamin
"Ano po kasi binibini bago lang po naging kami pero matagal na po akong may pagtingin sa kanya" nahihiyang sagot niya
"Paano pala kayo magkakilala?" Tanong ko pa
"Nagkakilala po kami noong nakaraang taon dito sa tahanan ng Pinuno" mabilis na sagot niya sabay takip sa bibig nito.
Pilit akong ngumiti sa kanya. Ibig sabihin tama ang hinala ko na sila ngang dalawa ni Kapitan.
"Sige na nga hindi na ako magtatanong tungkol sa kanya hihintayin ko nalang na kusang mag kwento ka" Sabi ko at tinignan ang nakangiting sarili sa salamin. Nakangiti kahit nasasaktan. Nasasaktan kasi parang may gusto na ako kay Kapitan. Nasasaktan kasi parang tinatraydor ko si Glenda. Nasasaktan ako para kay Glenda, hindi nito alam ang pinaggagagawa ng boyfriend niya kapag wala siya.
"Ayos ka lang ba binibini?" Pinunasan ko ang mga nakawalang luha sa mga mata ko na hindi ko namalayan.
"Hahaha" pilit akong tumawa "totoo palang maiiyak ka kapag nakipag titigan ka sa sarili mo na hindi kumukurap no? Hahaha" sabi ko
"Naku naman binibini akala ko pa naman kung napaano ka na. Kahit hindi ka tumingin sa sarili mo maiiyak ka parin basta hindi ka kumukurap hahapdi kasi ang mga mata mo at kusang tutulo ang mga luha kapag ganoon" sabi naman niya
"Subukan mo minsan mas mabilis kang maiiyak kung titingin ka sa sarili mo" nakangiting sabi ko
"Noong bata ako lagi nalang akong umiiyak kaya ayoko na talagang umiyak" Sabi nito tsaka malapad na ngumiting tumingin sa'kin. Ngumiti din ako sa kanya at yumakap sa baywang niya "Nagugutom ako" malambing na sabi ko sa kanya "ikukuha kita ng makakain mo binibini" Sabi nito at tumango naman ako.
******
Pagkatapos kong kumain kanina ay naglakad lakad ako hindi ko inaasahan na mapapadpad ako dito sa lugar na ito. Ang ganda dito parang hardin. Ang ganda ng pagkakaayos ng mga halaman at mga bulaklak. Naglakad pa ako para makita ang iba pang mga bulaklak hanggang sa makarating ako sa isang puno. Ang laki ng puno hindi ako sigurado kung anong klaseng puno ito basta ang laki at maraming sanga at mga dahon na nagpapalilim sa ibaba nito. May duyan din doon na nakasabit sa isang malaking sanga nito kaya naman dali dali akong umupo doon.
BINABASA MO ANG
DALYA (COMPLETED)
FantasyAyon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pagdating ng itinakda. Si Chandee isang dalaga na mahilig magbasa ang mapapadpad sa bayan ng Dalya at...