|Chapter Three|
Sandro's Point of View
"Luna, moon" bulong ko sa sarili ko ng marinig ko ang pangalan niya.
"Ano po 'yun Sir?" Tanong niya saakin.
"N-Nothing. You can go now, thanks" sagot ko sa kanya. Napangiti naman siya saakin at tila naghihintay ng kung ano.
"Yes?!" I asked
"Pangalan ko Sir, alam niyo na. Pangalan niyo po pwede ko din ba malaman?" She smiled again. Bakit ba palagi siyang nakangiti?
"Fine, I'm Sandro" tipid kong sagot atsaka ako muling tumungga ng beer.
"Okay, Sir Sandro. Mauuna na po ako" kumaway muna siya saakin bago siya tumalikod at naglakad na palayo.
She's so innocent!
Napailing ako atsaka ako tumayo at kumuha muli ng beer sa ref. Pagbalik ko sa veranda ay napatingin ako sa bowl na halos wala ng laman.
"Fuck! Naubos ko 'yon?" Takang tanong ko sa sarili ko. In fairness naman kasi talaga sa lasa. Ngayon lang ako nakakain ng ganun kasarap na tinola. Magaling siya magluto.
Ilang taon na kaya siya?
Napailing ako ng ma-realize ko na para akong naging interesado kay Luna.
Napalingon ako sa kabilang resort kung saan siya namamalagi. Maraming guest ang naroon ngayon dahil mula sa kinauupuan ko ay dinig na dinig ko ang musika at tila mga naghihiyawan na mga tao sa saya.
Muli akong napasandal sa upuan at tumingin sa malawak na dagat. I saw the reflection of the moon once again.
Napatingala ako sa buwan at tinitigan ko ito. Bata pa lang ako fascinated na ako sa moon. I remember my Dad asked me kung anong gusto ko paglaki ko, I said; I want to become an astronaut.
Natatawa lang si Dad sa 'kin but he said na kung anong gusto ko, susuportahan nila. But eventually, when I grow up nag-iiba talaga ang mga gusto natin.
But my admiration about the moon, hindi nagbago. Luna is still my resting place. Sa kanya ako nakakahanap ng kapayapaan sa tuwing tinititigan ko siya sa lawak ng kalangitan.
Kaya napangiti ako kanina ng sabihin sa 'kin ni Luna ang pangalan niya. Because I do love moon. I admire Luna from a far.
******
"Sir Sandro! Sir, gising!"
Napadilat ako ng maramdaman ko ang palad na tumatapik sa pisngi ko. Mas lalo akong nagising ng maramdaman kong humampas sa katawan ko ang alon ng dagat. Mukha ni Luna ang bumungad saakin at natatakpan niya ang sinag ng araw.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfiction"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...