-16-

118 8 2
                                    

|Chapter Sixteen|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Sixteen|

Sandro's Point of View



Nagising ako na nakahiga sa dalampasigan. Nakatitig sa mukha ko si Luna at pinagmamasdan ako.



"Nakatulog ako?" Tanong ko sa kanya at umupo ako mula sa aking pagkakahiga. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa magkabilang tuhod ko at yumuko.



"Oo, hindi na kita ginising" hinaplos niya ako sa likod at umupo sa tabi ko.



"Luna naguguluhan na ako sa nangyayari saakin" sambit ko habang nakayuko pa rin.



"Bakit, Sandro?"


"Magkasama tayo kanina alam ko, pero narinig ko ang boses ni Bella. Tapos napunta ako sa hospital, andun siya"


"Panaginip lang 'yun, Sandro. Andito ka, 'di ba?" Mahinahong sagot saakin ni Luna. Tumingin ako sa kanya at agad napayapa ang loob ko ng sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.


"B-Baka panaginip nga lang" sagot ko na nakatitig sa kanya. Tumayo si Luna at inakay ako na makatayo.


"Pasok na tayo sa loob, para makakain ka na" sambit niya habang inaalalayan niya ako makatayo.



"N-Nagpunta na ba dito si Mang Ernie?"



Umiling lang si Luna at ngumiti. Bakit kaya hindi pa nag-papakita sa 'kin si Mang Ernie? Isang linggo na ang nakalipas mula ng huli kaming magkita at mag-usap.



Nag-simula na kami maglakad ni Luna papasok sa loob ng beach house habang nakaakbay ako sa kanya at nakakapit naman siya sa bewang ko.



Pag-pasok namin sa loob ay bumungad saakin ang amoy ng pagkain na niluto ni Luna. Nakaramdam ako bigla ng pagkalam ng sikmura at napahawak ako sa aking tiyan.



"Gutom ka na, ano? Haba ng tulog mo eh" sambit niya



Hindi na ako umimik at dumiretso na kami sa kusina. Hinila ni Luna ang upuan at inalalayan ako makaupo. Bakit pakiramdam ko ginagawa ako may sakit ni Luna?



Nakaalalay siya palagi sa lahat ng kilos ko. Ultimo pag-bihis ko, pagkain ko. Palagi siya nakaalalay



"Luna, may sakit ba ako?"



Tumawa siya ng bahagya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko "Wala, bakit mo naitanong?"



"Wala naman, palagi ka kasi nakaalalay saakin"



Tumigil siya sa ginagawa niya at tumitig saakin "Ayaw mo ba na inaalagaan ka? Ito ang gusto mo 'di ba?"



"H-Hindi naman sa ganun, Luna. Naninibago lang siguro ako, pasensiya ka na"



LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon