-30-

117 8 1
                                    

|Chapter Thirty|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Thirty|

Sandro's Point of View


Ngayon ang ika-tatlong session ng therapy ko. Tulad ng una at pangalawa. Inilagay na naman nila sa katawan ko ang mga bilog na kumokonekta sa ECT device.



Naging mabigat saakin ang mga nakaraang araw. May mga bagay akong hindi ko maipaliwanag na nararamdaman at tila may hinahanap-hanap akong presensiya.



Ngunit sabi saakin ni Dave, side effect daw iyon ng therapy kaya monitor nila ang mga gamot ko pagkatapos ng session.



"This is your 3rd therapy, Sands. Are you ready?" Nakangiting tanong saakin ni Dave habang nakahiga na ako.


Marahan lamang akong tumango sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng buong katawan ko. Unti-unti na rin bumabagsak ang mata ko na hindi ko kayang pigilan.



*****


Nagising ako sa hampas ng alon sa aking katawan. Agad akong napaupo at tumingin sa buong paligid ko.


"P-Paano?"


"Sandro!!!!"


Napalingon ako sa gawi ng isang babaeng tumawag sa pangalan ko. Kumakaway ito saakin habang nag-lalakad patungo sa direksiyon ko.



Naka-suot ito ng white sleevless dress na hanggang binti ang haba. May paikot na bulaklak na nakalagay sa ulo niya at nakalugay ang hanggang bewang niyang buhok.



Dahan-dahan lumapit saakin ang isang babae habang nakaupo ako sa dalampisagan. Nakangiti ito saakin at nakalahad ang mga kamay.


Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tumayo ako at inabot ko ang kamay niya na nakalahad sa akin.


"Sandro!" Mahigpit siyang yumakap at tumingala  "Buti at gising ka na, kanina ka pa hinihintay ng mga bisita"


"B-Bisita? S--Saan?"


"Ano ka ba, ngayon ang araw ng kasal natin kaya nga ako nakaputing bestida" nakangiti niyang sagot.


"K-Kasal?!? Tayo?!?" Gulat kong tanong sa kanya.


"Oo, hindi mo na naaalala? Sandro, ako 'to si Luna"


Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan niya. Tila isang video na unti-unting pumapasok sa isip ko  ang alaala kung sino siya.



"L--Luna!?"


"Ako nga, mahal ko!" Muli siyang yumakap saakin at nakaramdam ako ng kapayapaan na hindi ko maipaliwanag. Binalot ako ng saya sa puso ko ng maalala ko kung sino ang babaeng kayakap ko.



LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon