|Chapter Twenty Five|
Bella
Sobrang lugmok ng pakiramdam ko ngayon. Mag-mula kanina sa hospital ay hindi na ako makausap ng maayos ni Adi.
Sino ba naman ang gaganahan sa buhay kung halos ipagtabuyan ka ng taong mahal mo.
Parang kailan lang ako ang bukam-bibig ni Sandro. Yung tipong kahit puro sakit ng ulo binibigay ko sa kanya hindi ako nakarinig ng masasakit na salita.
Palagi niya ako inuunawa. Palagi niya pinaparamdam saakin na mas mahalaga ang pagmamahalan namin kesa sa tampuhan.
*****
8 years ago
"You mean? Tayo na?" Halos hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Sandro ng sabihin ko sa kanya ang matamis kong oo.
Isang buwan din halos ang naging panliligaw ni Sandro saakin mula ng magkakilala kami sa party ni Dave. Since that night hindi na niya ako tinantanan.
Sandro is a standard. Halos nasa sakanya na lahat ng katangian na hinahanap ng mga babae sa mga future boyfriend nila.
"Ayaw mo?" Kunwari ay may himig-pagtatampo kong tanong.
"Sinong ayaw?" Kinabig ako ni Sandro at niyakap ako ng mahigpit "...this is the best day of my life, Bella Rae"
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfic"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...