|Prologue|
"Babe, you can't just do everything you want. Kailangan mo alagaan ang image mo as a model"
Matalim na tingin ang ibinato ni Bella kay Sandro. Napayuko na lamang ang huli dahil alam niyang wala na siyang magagawa sa isip ng nobya.
"Image ko ba talaga ang kailangan ko alagaan, Sandro? Oh ikaw? Pangalan ng pamilya mo" asik ni Bella
"Babe! You know I don't care about myself, I care about you. Hindi biro ang ginugol mong panahon para makamit mo ang kung anong meron ka ngayon" mahabang paliwanag ni Sandro
"Exactly! Hindi biro ang pinagdaanan ko para makuha ang titulo ko ngayon bilang world greatest model. So, bakit hindi ko tatanggapin ang bagong opportunity na 'to? Just because of what?!"
Napayuko si Sandro at napailing. Alam niyang hindi na niya kayang baliin pa ang desisyon ni Bella. Palagi naman silang ganito. Pag may gusto si Bella kahit tutol si Sandro ay wala na itong magagawa.
"All I'm saying is.. Babe hindi mo kailangan ipakita ang katawan mo para may mapatunayan ka. You're a well-knowned model. Hindi pa ba sapat yun?" Mahinahong paliwanag ni Sandro
"No! Alam mo umpisa pa lang na hindi pag-momodelo ang passion ko. Ginawa ko lang stepping stone 'to para makilala ako. And this is it now! Pinag-aagawan na ako ng mga movie producer, hindi ba dapat maging masaya ka para saakin?!"
"I'm happy for you, Babe! Sino ba nagsabi na hindi ako masaya para sa'yo? Ang sinasabi ko baka may iba naman way at hindi ang ganyan" napa buntong hininga si Sandro atsaka lumapit sa nagagalit na nobya. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi atsaka banayad na dinampian ng halik sa noo.
"I love you, Bella. You know how much I love you and all I want is to give you everything that you deserve. If this is you really want, I guess wala na ako magagawa. Fine, do it" mahinahong sambit ni Sandro.
Agad naman kumalma ang matapang na mukha ni Bella atsaka yumakap ng mahigpit kay Sandro.
"I knew it, alam kong hindi mo ako matitiis. Thank you, Babe. And I love you too. I promise, ito lang ang gagawin ko. Gusto ko lang talaga makapasok sa movie industry"
Humigpit ang yakap ni Bella kay Sandro na lalong nagpalambot sa puso ng binata. Mahal na mahal niya si Bella at wala siyang ibang gusto kundi mapasaya ang nobya.
******
Naging successful ang unang pelikula ni Bella. Masayang-masaya naman si Sandro sa nakikita niyang epekto nito sa kanyang nobya.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
أدب الهواة"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...