"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go"
Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Magkatabi kami ngayon ni Luna na nakaupo sa dalampasigan habang pinapanuod ang pagbaba ng araw.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako kanina sa veranda at naalimpungatan ako sa haplos na naramdaman ko.
"I was dreaming, I'm sorry" tipid kong sagot habang nakatuon ang mga mata ko sa palubog na araw.
"Okay lang. Dumadating talaga tayo sa ganung punto ng buhay natin, na nakikita natin ang mga mahal natin sa buhay. Kung sino man si Bella sana payapa na siya ngayon"
Napalingon ako sa kanya na nakasalubong ang kilay.
"B-Bakit?" Nagtatakang tanong niya
"Hindi pa patay si Bella" seryoso kong sagot. Napatutop si Luna sa bibig niya at nanlaki ang mga mata.
"S-Sorry, sa kwento mo naman kasi para siyang nagparamdam sa 'yo. May pag-haplos. Sorry po" mahina niyang paliwanag. Natawa na lang ako sa kanya imbes mainis. Napaka inosente ni Luna.
"It's fine, you didn't know" tipid kong sagot atsaka ako muling tumitig sa palubog na araw.
"Alam mo, Sandro. Ang buhay ng tao parang kalangitan din, pag lumubog ang araw wag kang matatakot sa dilim kasi may buwan pa na magsisilbing liwanag sa buhay mo"
Napalingon akong muli kay Luna na nakatitig din sa papalubog na araw. Napaka lalim niya magsalita. Inosente siya sa mga bagay bagay pero pagdating sa buhay ng tao, sa mga pinagdadaanan, may mapupulot ka rin talaga sa kanyang aral.
"Ang lalim mo no?" Sagot ko sa kanya. Tumingin siya saakin and she smiled. Muli niya ibinaling ang paningin sa lawak ng karagatan atsaka bumuntong-hininga.
"Sa dami ng napagdaanan ko, nakilala ko na iba't ibang tao. Makakakuha ka ng aral sa mga pinagdaanan nila. Kahit gaano kabigat ang problema mo, Sandro. Palagi mo iisipin na kailangan natin magpatuloy sa buhay. Malalampasan mo din lahat 'yan"
I smiled after hearing those words from her. Siguro nga tama sila Mom, sa ganitong sitwasyon hindi mo kailangan mag-isa. Kailangan mo ng karamay na handang ipaunawa sa 'yo ang mga bagay na nangyayari sa mundo.
And Luna came to me just like a snap. Para siyang sinadyang ipakilala sa 'kin ng tadhana, dahil nung mga nakaraang araw halos ayoko na talaga mabuhay dahil sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko sa tuwing gigising ako sa umaga.