-36-

102 6 2
                                    

|Chapter Thirty Six|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Thirty Six|

Other Person's Point of View




Dahan-dahan idinilat ni Sandro ang mga mata niya nang maramdaman tuluyan ng nagising ang diwa niya pag-katapos ng kanyang huling therapy.




"How do you feel, Sands?" Nakangiting tanong ni Dave sa kanya.




Ngumiti si Sandro at itinaas ang kaliwang kamay para hawakan si Dave. "I--I'm weak. But, I think I'm okay" mahinang sagot ni Sandro.




"That's pretty normal, may tama pa ng anesthesia ang katawan mo. But you'll recover in a few hours. We will do some series of tests, at pag okay na, you're free to go" ngiting sagot ni Dave sa kanya.




"T-Thank you, Dave!"




"Take a rest. Iaakyat ka na namin maya-maya" nakangiting tumalikod si Dave kay Sandro at tiningnan ang result ng ECT. Napatingin si Sandro sa kisame at naramdaman niyang may likidong umagos mula sa gilid ng mga mata niya.




Did I cried!? Nagtatakang bulong niya sa sarili. Maayos naman ang pakiramdam niya pagkatapos ng therapy. Hindi niya lang maipaliwanag ang bigat ng dibdib niya. Inisip na lamang ni Sandro na baka dahil sa mga nakakabit sa kanya during his therapy.




Pagkalipas ng sampung minuto ay nag-pasiya na si Dave iakyat si Sandro sa kwarto nito para mas makapag-pahinga ng maayos.




Naabutan nila doon na naghihintay ang buong pamilya ni Sandro at si Adriana.




"Tita Liza, Sandro's here. He's fine now. After ng mga test niya pwede na siya umuwi." Nakangiting bungad ni Dave habang tulak ang wheelchair ni Sandro.




"Thank you so much, Dave" naluluhang sambit ni Liza. Agad naman lumapit si Vinny kay Sandro at niyakap ang kapatid.




"Thank God, you're okay na, Kuya. No more Luna!" Nakangiting sambit ni Vinny. Nagkatinginan naman ang mga nasa loob ng kwarto at sinenyasan si Vinny.



"Ooppps!" Bulalas ni Vinny. Napatingin naman sa kanya si Sandro na tila nagtataka.




"S-Sinong Luna?"




"Ah-eh..." Tumingin si Vinny kay Simon na parang humihingi ng saklolo sa kung ano isasagot niya kay Sandro.




"Moon, Sands. You love moon, right?" Ani Simon.




"Of course, Moon is my resting place eversince" nakangiting sagot ni Sandro.




Nakahinga ng maluwag ang mga nasa kwarto ng hindi na maalala ni Sandro kung sino ang tinutukoy ni Vinny.




LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon